Rose Fostanes ipaparinig ang boses sa concert

Wala na sigurong kukuwestiyon pa sa balak kong paglalagay sa X Factor Israel winner na si Rose Fostanes sa Walk of Fame Philippines. Wala na­mang makapagsasabing hindi malaking tagumpay para sa bansa rin ang kanyang na-accomplish. Napasabihan ko na ang Pinay winner tungkol dito at pumayag na siya in principle sa aking alok pagbabalik niya ng bansa. Amenable rin siya sa plano kong igawa siya ng concert pagdating niya. I’m sure marami ang interesadong makita kung hanggang saan ang galing niya sa pagkanta.

Juday bentahe ang pagiging homemaker

O, may bago na namang reality show si Judy Ann Santos sa Kapamilya. Nakita kasi ng network ang kagalingan niyang humawak ng ganitong uri ng palabas kaya, ayun, inihahanda na ang I Do na tungkol naman sa mga magpaplano ng pag-aasawa? Sa kanyang katayuan ngayon, marami nang maituturo si Juday sa mga parehang makakasama niya sa show.

Ang bentahe ni Juday ay hindi lamang siya nagsisilbing host ng mga programang nasasalihan. Sa Bet on Your Baby ay relate na relate siya dahil siguro may dalawa na rin siyang mga anak. Sa I Do, makakaya niyang samahan ang mga couple dahil bukod sa married na siya ay isa pa ring homemaker. Pagbutihin mo, Juday!

Jojo A. kayang sakyan ng lahat

Napapanood n’yo ba si Jojo Alejar sa bago niyang show sa GMA, matapos ang programa ni Tim Yap? Hindi ba may promise?

Kahit naman nun, napapabilib ako ni Jojo. Marami siyang talent. Hindi lamang siya kumakanta’t nagsasayaw, marunong pa rin siyang mag-host at marami siyang ideya na naiisip na ka­pag nabigyan ng pagkakataon na ma­ila­bas ay talagang makapagpapaganda sa kanyang programa.

Panoorin n’yo siya at mag-i-enjoy kayo. Napaka-witty niya at pasado siya kahit sa mga sosing manonood. Updated siya sa mga pangyayari in and out of showbiz at maski na bagets makaka-relate sa kanya. Hindi siya pahuhuli sa mga imported canned talk show. Pramis!

 

Show comments