Mga suspek kilalang tao raw: Ilong ni Vhong kailangang ayusin

MANILA, Philippines - Ano na ba’ng nangyayari sa ating paligid? Gosh, nakakatakot ’yung naging kapalaran ni Vhong Navarro nang piringan, bugbugin, at hingian ng pera ng isang grupo matapos siyang imbitahan ng babae sa isang condominium sa The Fort na pangmayaman at supposedly ay mahigpit ang security.

Sikat pa si Vhong, so, imposibleng hindi man lang mapansin at umabot pa sa matinding bugbugan ang nangyari.

Nangyari sa isang sikat na si Vhong Navarro na mabait at marunong makisama sa showbiz, so ibig sabihin, puwede itong mangyari kahit kanino at kahit saan na lang.

Kahapon ay balitang sumuko na raw ang mga suspek sa National Bureau of Investigation (NBI) at nakakagulat na mga kilalang tao raw ang mga ito. Talaga raw masa-shock tayo ’pag nalaman natin kung sinu-sino sila. Nakunan daw ng CCTV ang mga pangyayari kaya walang kawala ang mga suspek.

Ang layo na sa dating hitsura ni Vhong ang mga naglutangang litrato niya pagkatapos siyang bugbugin ng grupo. Ang sabi ng isang source kahapon, isa raw sa kailangang ayusin kay Vhong ay ang kanyang ilong dahil grabe raw ang inabot nitong tama.

Pero dapat pa ring magpasalamat si Vhong dahil nakalabas siya ng buhay sa nasabing building. Imagine, kung tinuluyan siya at saka na lang itinapon somewhere eh di tapos na ang lahat? Sino nga kaya ang naglabas sa kanya sa building at nagdala sa hospital?

At ang girl na nagdala sa kanya sa condo, sinetch kaya? May isang source ang nagsabi na mahilig daw itong mag-artista.

Common knowledge sa showbiz na may girlfriend siyang writer ng ABS-CBN na matagal na niyang karelasyon.

As of presstime ay wala pa kaming nakukuhang pangalan kung sinu-sino ang mga sinasabing suspek.

Isang malaking peke naman ang sinasabing video sa pambubugbog kay Vhong ang lumabas kahapon.

Angel at Echo bibida sa Chinese New Year party

Pakikislapin nina Angel Locsin at Jericho Rosales ang engrandeng Chinese New Year party ng ASAP 19 ngayong Linggo (Enero 26) sa inihanda nilang makapigil-hiningang production number para sa grand launch ng upcoming primetime teleserye nilang The Legal Wife.

Mas magiging espesyal naman ang weekend sa bonggang birthday treats na handog ng ASAP 19 para kina Concert King Martin Nievera at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Bagong taon na puno ng inspirasyon ang hatid ng world-class production numbers nina Pop Royalty Sarah Geronimo at international singing sensation Charice; OPM music icon Imelda Papin, singing champ Sheryn Regis, at Pop Rock Princess Yeng Constantino; at King of the Gil Enrique Gil na magpapakilig kasama sina Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, Grace Fernandez, at Brace Henry Arquiza ng Gimme5.

Mas gaganahan pang humataw ang lahat ngayong Linggo sa hitik sa trendy moves ng ASAP Supahdance gang nina Sam Milby, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Iya Villania, Enchong Dee, Rayver Cruz, John Prats, Erich Gonzales, Nikki Gil, Iza Calzado, Empress, at Cristine Reyes.

Abangan din ang grand concert treat mula kina Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Lani Misalucha, Arnel Pineda, Vina Morales, Bamboo, Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Marcelito Pomoy, Marion Aunor, Radha, Janice Javier, Klarisse de Guzman, Morisette Amon, AKA JAM, at ASAP Sessionistas.

 Magle-level up pa ang kasiyahan ng ASAP Kapamilya dahil gaganapin rin ngayong Linggo ang grand launch ng bagong album ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Show comments