James Yap masaya sa success ng first movie ni Bimby
MANILA, Philippines – Masayang-masaya ang basketbolistang si James Yap sa unang pelikula ng kanyang anak na si Bimby na “My Little Bossings.â€
Bumida si James Yap Jr. o mas kilala sa pangalang Bimby sa 2013 Metro Manila Film Festival entry na My Little Bossings kasama ang kanyang mommy Kris Aquino, child star Ryzza Mae Dizon at TV host/comedian Vic Sotto.
“‘Yong anak ko kahit first movie pa lang niya, natural na siyang artista,†komento ni James sa naging performance ng kanyang anak.
“Nagulat talaga ako. Siguro dahil nasa dugo naman niya talaga kaya ganun na rin siya ka-relax. Bilang ama, siyempre proud na proud ako sa anak ko,†dagdag niya.
Nagpa-block screening si James para sa box-office hit na pelikula noong Disyembre 28 sa Gateway mall kasama ang kanyang mga magulang.
Pero kung si James ang tatanungin ay nais niyang mag-focus muna sa pag-aaral ang kanyang junior.
"Siyempre ako, gusto ko maging priority niya ang kanyang pag-aaral,†sabi ng PBA MVP. “Kahit naman siguro ang nanay niya, ‘yon ang gustong mangyari kay Bimby. Siyempre, school muna, kahit mukhang nag-enjoy siya sa paggawa ng movie nila.â€
Sinabi pa ni James na kung nasa wastong gulang na si Bimby ay susuportahan na lamang niya kung ano ang gustong gawin ng anak.
"Pag lumaki na siya at kung anuman ang gusto niya, full support ako sa kanya. Kung saan magiging happy ang anak ko, ‘don ako,†kuwento ni James.
“Kung saan siya magiging masaya, suportahan ko nang todo.â€
- Latest