MANILA, Philippines- Inamin ng Kapamilya TV host Robi Domingo na ayaw niyang magsimba dati hindi dahil sa hindi siya maka-Diyos ngunit dahil sa kanyang labis na katabaan.
Ikinuwento ni Robi sa press conference ng "Biggest Loser" na iniiwasan niyang makinig ng misa noong grade school siya dahil sa kahirapan sa pagluhod.
Sa noo'y tindig na 5'3 ay overweight ang Atenistang host kung saan pumalo ang kanyang timbang sa 170 pounds, malayo sa ngayong bigat na 150 lbs at height na 5'9.
"Ayaw na ayaw ko na pupunta sa chapel, hindi dahil sa ayaw ko magsimba but ayaw na ayaw ko po ‘yong lumuluhod kasi sobrang sakit," kuwento ni Robi.
“For some of us nakakatawa, e, kasi hindi natin na-e-experience,†dagdag niya.
Nang dumating sa high school ay naisip niyang magpapayat na upang makapanligaw.
“Kasi sa grade school, puro lalaki kayo sa Ateneo, then coming to high school dyan nagsimula ‘yong mga soiree," natatawang salaysay ng Pinoy Big Brother Teen Edition winner.
"Hindi ka papansinin kunwari ang pinakamalapit na school sa Ateneo is Miriam. Hindi ka papansinin ng mga taga Miriam kung mataba ka.â€
Dahil dito ay naisipan niyang maging aktibo sa sports partikular sa basketball na sinabayan ng diet.
“So ang ginawa ko no’n oatmeal everyday sa umaga tapos basketball sa hapon. Tapos nang pumayat na ko sabi ko, ‘aba, ang sarap pala mag-exercise,’ sumali na ako ng baseball team. Tapos nagtuluy-tuloy na hanggang ngayon na very into sports pa rin ako.â€
Sa ngayon ay martial arts na Muay Thai at pagtakbo ang pinagkakaabalahan ni Robi at malaking parte dito ang impluwensya sa kanya ng kanyang girlfriend na dating Ateneo volleyball player Gretchen Ho.
“I have to say that that athlete is a monster when it comes to physical exercises,†sabi ni Robi. 'Pag tumatakbo, although I also do 21Ks, siya pag gusto ko lang mga fun run, siya todo, e. And then she goes to the gym almost every day, kailangan fit.â€
“That’s the beauty of dating an athlete. Kahit anong kain ang gawin ‘nyo payat pa rin siya. Hindi siya tumataba at all kahit na we go to this place, do unli-rice stuff.â€