MANILA, Philippines - Parang napaka-interesting ’yung gagawing concept ni Ogie Alcasid para sa kanyang tatlong gabing Valentine concert sa Music Museum. Balak niyang imbitahin para maging special guests ang tatlo sa pinaka-sikat na celebrity widows sa showbiz, sina Susan Roces, biyuda ni Fernando Poe, Jr.; Lorna Tolentino, biyuda ni Rudy Fernandez; at Zsa Zsa Padilla, biyuda ni Dolphy.
Bagay na bagay ang tatlo sa concert na pinamagatang Samahang Walang Ka-Valentine at bagama’t medyo malungkot ang ibinabadya ng kanilang paggi-guest sa concert, inaasahan ng star of the night na si Ogie na hindi lamang lungkot ang ihahatid ng kanyang palabas sa talto kundi saya rin dahil mababalikan nila ng alaala ang naging masayang buhay nila sa piling ng kanilang mga asawa.
Hindi lamang theme songs nila with their husbands ang maririnig nila but other songs na naging makahulugan sa kanila ng mga naging asawa nila. Kakantahin ito para sa kanila ni Ogie. Wala man ang mga kabiyak nila, mabibigyan sila ni Ogie ng isang hindi malilimutang Valentine experience.
Let’s all hope na pumayag silang lumabas sa concert.
Problema nina Angel at Maja maraming makaka-relate
’Kakatuwang isipin na marami raw ang makaka-relate sa bagong teleserye ng ABS-CBN na The Legal Wife. Dahil ba marami ang husband who cheat on their wives dito sa ating bansa? Ako nga nagbilang sa daliri ng aking mga kamay ng mga lalaking nangangaliwa sa kanilang mga asawa na kakilala ko at eight out of 10 are unfaithful. At kung iisipin na mas magaganda ang mga asawa nila sa mga kabit nila ay mas lalong nakakapagpa-isip sa akin ng dahilan kung bakit kailangan pa nilang mambabae. Isa lang ang naisip ko, gusto lang nilang mapatunayan na macho sila at status symbol na sa mga Filipino husband ang magkaro’n ng mistress o mistresses. Tsk!
Ito rin kaya ang dahilan kung bakit may legal wife (Angel Locsin) at mistress (Maja Salvador) si Jericho Rosales sa bagong teleserye ng ABS-CBN na hinihintay na mapanood sa TV simula sa Jan. 27?
Kasama sa serye na nasa direksiyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao sina JC de Vera, Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil, Bernard Palanca, Maria Isabel Lopez, at Christopher de Leon.
Child star na tumalo kay Nora sa pagka-best actress gaganap na batang Jennylyn
If only for the appearance of one child star named Therese Martin A. Malvar, dapat simulan ang paÂnoÂnood ng Rhodora X sa unang linggo pa lamang ng pagpapalabas nito. Si Therese ang batang artista na tumalo sa Superstar na si Nora Aunor bilang best actress sa isang international filmfest na parehong nasalihan ng mga pelikula nila. At sasandali lamang ang exposure ng award-winning child star sa Rhodora X bilang batang Roxanne na agad namatay nang magtangka itong tumakas mula sa mga kidnapper niya.