Asong kanal na isinalba ang buong pamilya, nasa Magpakailanman

MANILA, Philippines - Metro Manila is over populated hindi lang ng mga tao, kundi ng mga hayop rin. Hayop na ginaga­wang pets. Hayop na itinatapon kung hindi nagustu­han. Hayop na nagiging parte na ng buhay-lansa­ngan.

Dito magsisimula ang kuwento ngayong Sabado sa Magpakailanman.

Kilalanin si Persia, asong kanal... asong walang nagmahal. Matapos ng isang malakas na ulan, binaha ang kanyang kanal na tinitirahan. Napilitan siyang lumi­san at maghanap ng masisilungan, at dito siya nahanap ng isang veterinarian.

Iniligtas si Persia, dinala sa isang clinic. Ginamot. Inalagaan. Pinaliguan. Bi­nig­yan ng pagkakataon na mahalin ng ibang tao.

Pero sa panahon kung kailan uso ang mga Siberian Husky, ang mga Chihuahua at Shi-Tzu, ang mga pure breeds at show dogs... Sino ang magma­mahal sa isang Persia? Sa isang aso na walang makatukoy ang lahi? Isang aso na hindi malapitan? Isang aso na takot na sa mga tao?

Sundan ang kuwento ng buhay ni Persia, ang asong takot sa pagmamahal, at alamin kung pa­a­nong ang asong hindi maamo sa mga tao ay su­mal­­ba ng isang pamilya mula sa isang matinding ka­pahamakan.

Itinatampok sina Andrea Torres, Gladys Reyes, Shar­maine Arnaiz, Raymond Bagatsing, Miggs Cua­derno at Zandra Summer, sa pananaliksik nina Cynthia delos Santos at Rodney Junio, sa pa­nulat ni Al­bert Langitan, at sa ilalim ng direksiyon ni Neal del Ro­sario, aalamin ni Ms. Mel Tiangco ang kuwento ng asong ito sa isang kakaibang episode ng Magpakailan­man, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA7.

Show comments