Asong kanal na isinalba ang buong pamilya, nasa Magpakailanman
MANILA, Philippines - Metro Manila is over populated hindi lang ng mga tao, kundi ng mga hayop rin. Hayop na ginagaÂwang pets. Hayop na itinatapon kung hindi nagustuÂhan. Hayop na nagiging parte na ng buhay-lansaÂngan.
Dito magsisimula ang kuwento ngayong Sabado sa Magpakailanman.
Kilalanin si Persia, asong kanal... asong walang nagmahal. Matapos ng isang malakas na ulan, binaha ang kanyang kanal na tinitirahan. Napilitan siyang lumiÂsan at maghanap ng masisilungan, at dito siya nahanap ng isang veterinarian.
Iniligtas si Persia, dinala sa isang clinic. Ginamot. Inalagaan. Pinaliguan. BiÂnigÂyan ng pagkakataon na mahalin ng ibang tao.
Pero sa panahon kung kailan uso ang mga Siberian Husky, ang mga Chihuahua at Shi-Tzu, ang mga pure breeds at show dogs... Sino ang magmaÂmahal sa isang Persia? Sa isang aso na walang makatukoy ang lahi? Isang aso na hindi malapitan? Isang aso na takot na sa mga tao?
Sundan ang kuwento ng buhay ni Persia, ang asong takot sa pagmamahal, at alamin kung paÂaÂnong ang asong hindi maamo sa mga tao ay suÂmalÂÂba ng isang pamilya mula sa isang matinding kaÂpahamakan.
Itinatampok sina Andrea Torres, Gladys Reyes, SharÂmaine Arnaiz, Raymond Bagatsing, Miggs CuaÂderno at Zandra Summer, sa pananaliksik nina Cynthia delos Santos at Rodney Junio, sa paÂnulat ni AlÂbert Langitan, at sa ilalim ng direksiyon ni Neal del RoÂsario, aalamin ni Ms. Mel Tiangco ang kuwento ng asong ito sa isang kakaibang episode ng MagpakailanÂman, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA7.
- Latest