Marian rarampa sa Ginuman Fest 2014 sa Tondo

MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng ika-180 anibersaryo ng Ginebra San Miguel, bubuksan ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) ang taon sa highly anticipated first leg ng taunang Ginuman Fest series nito na gaganapin sa Sabado, Enero 25, sa Tutuban Center Mall Parking Grounds, sa Tondo, Maynila.

Para sa maiden leg nito sa Tondo, magtitipun-tipon ang ilan sa pinakamaiinit na GSMI brand ambassadors na pinangungunahan ng mga rock bands at certified OPM hit-makers na The Itchyworms, Callalily, at Rocksteddy; ang nag-iisang “Sample King” na si Jhong Hilario; ang sexy actress na si Solenn Heussaff; at ang maalindog at award-winning actress na si Marian Rivera, na nag-pose para sa iconic na kalendaryo ng Ginebra sa ikalawang pagkakataon ngayong 2014. 

Sa kanyang ikatlong taon, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiya­han sa lahat ng mga loyal at solid na “kalahi” sa buong bansa.

Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show kung saan maraming mapapanalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at mga “side-games” na siguradong papatok sa mga kabarangay.

Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin nito sa buong mundo.

Maaari ding subukan at bilhin ng mga concertgoers sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI products gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, at Antonov Vodka.

Inaasahan ding itataob ng Ginuman Fest 2014 ang kamangha-manghang bilang ng mga tao na dumalo at nakisaya noong nakaraang taon na lumampas sa isang milyon sa buong run ng concert series sa buong bansa.

Bilang karagdagang pang-aliw sa mga manonood, ilulunsad din ang Ginuman Fest Crew na pinangungunahan ng radio DJ na si Jec Lubrin na gagampanan ang papel ni Boy Hamon. Lilibutin ni Boy Hamon at ng Ginuman Fest Crew ang lahat ng labinlimang destinasyon ng concert series at ido-document ang bawat leg na mapapanood sa official Facebook pages ng Barangay Ginebra at GSM Blue Gin.

Sa susunod na buwan, maaaring sundan ang Ginuman Fest sa Baguio City (Pebrero 8) at Calamba, Laguna (Pebrero 21). Dadayo rin ang Ginuman Fest sa San Jose, Nueva Ecija; Calapan, Mindoro; Balanga, Bataan; Lingayen Pangasinan; Bantay, Ilocos Sur; Baliwag, Bulacan; Catanauan, Bondoc Peninsula; Bayombong, Nueva Vizcaya; Tuguegarao, Cagayan Valley; Daet, Camarines Norte; Batangas City, Batangas; at magtatapos ito sa San Juan City, Metro Manila.

Show comments