Boots Anson panay ang dalaw sa puntod ng asawa bago uli mag-asawa

June bride this year ang veteran actress at pangulo ng MOWELFUND na si Boots Anson Roa dahil nakatakda siyang ikasal sa biyudong abogado na si Atty. Francisco `King’ Rodrigo (anak ng yumaong senador na si Soc Rod­rigo) on June 14, 2014 na ika-75th birthday ng magiging pa­ngalawang mister ng aktres.

Ayon kay Boots, gusto sana nila itaon sa ika-100 birthday ng ina ni Atty. King pero nagdesisyon sila na gawin na ito sa birthday ng abogado.

Nakakatuwa ang love affair nina Boots at Atty. King. Matagal nang magkakakilala ang respective fa­milies nina Boots at Atty. King. Bukod sa magkaklase sa Ateneo noon ang yumaong mister ni Boots na si Pete Roa (he died of cancer in Aug. 9, 2007), magka­kaibigan sila. Ayon kay Boots, mas close siya noon sa younger siblings ni Atty. King. Nang mabiyuda si Boots at mabiyudo si Atty. King, ang mga kapatid at ilang kaibigan nila ang nag-match sa kanilang dalawa pero walang nangyari until mamatay ang isang anak ni Atty. King kung saan nakiramay si Boots. Doon lamang nagkaroon ng instant attraction ang dalawa at ipinagpatuloy na ni Atty. King ang kanyang panunuyo sa actress.

Last November 30 ay in-announce na ang kanilang engagement pati na ang kanilang pagpapakasal na gaganapin sa Archbi­shop Palace at si Cardinal Tagle ang mago-officiate ng wedding. Tulad ng isang traditional pamamanhikan, ginawa rin ito ni Atty. King kasama ang kanyang ina, kay Boots at sa mga anak nito.

May apat na anak si Boots sa yumao niyang asa­wang si Pete Roa at lima naman ang kay Atty. King sa yumao niyang misis pero ang isa nga rito ay suma­kabilang-buhay na. 

Nang mag-guest ang couple sa aming Celebrity Talk segment ni Kuya Germs sa Walang Tulu­gan with the Master Showman, inamin nila na pareho silang dumalaw sa respective graves ng kanilang mga yumaong asawa para magdasal at magpa­alam. 

Walang kumontra sa respective families nina Boots at Atty. King sa kanilang pag-iibigan at nalala­pit na pag-iisang dibdib at lahat masaya para sa couple.

Ang nakakatuwa kina Boots at Atty. King, hindi sila naging maramot na ibahagi sa publiko ang kasiyahang kanilang nararamdaman.

Isa si Boots sa pinagkaguluhan ng dumalong en­­ter­tainment media sa grand presscon ng Rhodo­ra X na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, at Mark Anthony Fernandez mula sa direksiyon ni Albert Langitan at magsisimulang mapanood sa ere ngayong Enero 27 sa Kapuso Network.

Neri Nangongolekta ng mga pusa

Kung ang ibang tao ay pet dogs ang kinagigiliwan, kakaiba naman ang controversial actress na si Neri Naig dahil nangongolekta siya ng mga pusa sa kanilang bahay kahit ayaw ng kanyang ina na mahilig naman sa aso.

Originally ay may 30 pusa si Neri now down to 12. Pero ang regalo sa kanya ng kanyang equally controversial boyfriend na si Chito Miranda (Parokya ni Edgar) ay ang asong si Ashley.

Si Neri ay nasa bagong serye ng TV5, ang Obssession na tinatampukan din nina Bianca King, Marvin Agustin, at Mart Escudero.

Wally hindi rin nagpaparamdam

Whats holding Wally Bayola sa kanyang pagbabalik sa Eat Bulaga at game show na Celebrity Bluff?

May ilang buwan na rin kasi na hindi napapanood sa nasabing dalawang programa si Wally matapos itong ma-involved sa sex scandal nung isang taon tulad nina Chito Miranda at Neri Naig pero nakapag-move on na ang dalawa.

Pero si Wally, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kelan siya babalik sa Eat Bulaga na malaki ang naitulong sa kanyang career bilang  si­nger-comedian at TV host.

Show comments