Malakas ang bulung-bulungan na ang dahilan kaya madaÂling naka-recover si Kristoffer Martin sa break up nila ni Joyce Ching ay dahil sa kapareha nito na si Kim Rodriguez. Sinasabi nga na hindi pa ito break kay Joyce ay may nararamdaman na itong kakaiba kay Kim. Pero hindi concerned dun si Joyce dahil maging nang makatambal ni Kristoffer ay na-link din ito kay Julieann San Jose. Magandang pagkakataon lang siguro para sa batang aktor na nang maghiwalay sila ni Joyce ay may Kim siyang nagandahan. Hindi naging mahirap ang gamot sa sugatang puso.
Matapos ang maganda nilang pagpapareha sa Kakambal ni Eliana na kung saan humigit pa sa friendship ang sinasabing naging relasyon nila, magkasama silang muli sa isang mas daring na teleserye ng GMA, ang Paraiso Ko’y Ikaw. Kasama rin sa serye ang dating karelasyon ni Kristoffer na dedma lang sa pagtatrabaho nilang magkasama ng kanyang ex. Wala rin silang ilangan ni Kim. Hindi naman sila love triangle. Binigyan ito ng ibang kapareha sa serye, kaya walang silang pagkakataon na maging magkaeksenang madalas ni Kristoffer bagaman at sinabi nilang pareho na kahit maging magka-eksena sila ay magagawa pa rin nila ang kanilang trabaho. Isang bagong aktor ang kapareha ni Joyce, si Pythos Ramirez na mai-in love din sa istorya kay Kim.
Sa mga hindi pa nakakakila kay Pythos, nagsimula ito sa showbiz ng bata pa na naging contestant ito ng Star Circle Quest ng ABS-CBN. Nagkaroon din ito ng mga commercial, pero tinapos muna ang high school. Nagbabalik ito bilang Kapuso at age 18.
Si Bb. Joyce Bernal ang director ng serye na papalit sa Prinsesa ng Buhay Ko at magtatampok din kina Janno Gibbs, G. Toengi, Jessa Zaragoza, Neil Ryan Sese, Maricel Morales, at Ida Yaneza. First time na magkakasama sa serye ng mag-inang Gabby Eigenmann at Irene Celebre. Sagot sa dasal ni Irene ang serye. Matagal na niyang gustong umarte. Wala namang tutol dito si Gabby. Pagbabalik Kapuso naman ito nina Joey Marquez at G. Toengi na for a time ay naging mga Kapamilya. Hindi magpapatawa rito si Joey, magda-drama siya.
Dalawang channel may kumpetisyon sa pagbebenta ng kawali
Nakatutuwang panoorin ‘yung paglalaban ng dalawang channel sa pag-iendorso ng isang uri ng non-stick frying pan. Parehong gumamit ng professional chef ang O Shopping at Shop TV. Itinuturo ng mga ito ang wastong paggamit ng mga pino-proÂmote nilang produkto na halos magkapareha sa gaÂmit at tibay at baka sa manufacturer lamang nagkakaiba. Pareho silang nakabibilib at kung may pera lamang lahat ng manonood nila ay siguradong sold out agad sila.
Amo ni Rose sa Israel naging mabait
Tuloy ang lucky streak ni Rose Fostanes, ang grand winner ng X F actor sa Israel na nagtatrabaho run bilang caregiver. Pinayagan na rin ito ng bansang Israel para magamit ang pagkanta bilang hanapbuhay. Pagiging isang caregiver lamang ang puwede niyang gawing hanapbuhay sa nasabing bansa, pero dahil nga nanalo siya sa X Factor kung kaya pinayagan na rin siya ng Israeli immigration na kumanta run profesionally pero ito ay matapos hingin ang permiso ng pamilyang pinagtatrabahuhan niya run.
Jennylyn ayaw na uling makaramdam ng sakit
Nag-ala Kim Chiu si Jennylyn Mercado nang sa halip na sagutin ng diretso ang pangungulit ng media na makuha ang reaksiyon niya tungkol sa baÂlikan ng ex niyang si Luis Manzano at Angel LocÂsin ay nagmaldita ito sa pagsasabing wala siyang obÂligasyon na magsalita kahit kanino tungkol sa isyu.
Kung sabagay totoo naman ang sinabi niya. Baka kung nagsalita pa siya ay madamay pa sa isyu na wala naman siyang involvement. Okay siya matapos ang hiwalayan nila ni Luis at ayaw na niyang balikan ang sakit na naramdaman niya nung una silang maghiwalay. She’d rather concentrate on Rhodora X na kung saan talagang mahahamon ang kagaliÂngan niyang umarte sa kanyang dual roles.