Mark bumuwelta, minura ang fans na ayaw kay Ynna

Medyo nakakatakot ang full trailer ng Rhodora X at tama nga si director Albert Langi­tan na iba ang story nito at ngayon lang tatalakayin sa telebisyon. Maaksiyon pa ang pilot episode kaya hindi dapat palampasin ang pilot sa Jan. 27 hanggang sa ending nito.

Kaya pala masaya si Mark Herras na ma­pa­sama sa cast dahil alam nitong pag-uusapan ang soap. Hindi lang dahil balik-tambalan nila ni Jen­nylyn Mercado kundi dahil sa kakaibang story.

Pinaka-challenging role rin niya ito dahil ma­ya­man siya rito at kinailangang baguhin ang ki­los, pagsasalita, at pananamit. Nanibago siya no­ong una, pero nasasanay na at kailangan niyang mag-effort to live to his role para patunayan sa GMA 7 na in pa rin siya. Ayaw nitong may ma­sabi pa sa kanya ang management at tiniyak na dito sa Rhodora X, wala nang masasabi ang mga bossing ng network.

Anyway, palaban si Mark sa fans niya na ina­away siya at si Ynna Asistio dahil akala’y naki­pag­balikan siya sa ex dahil lang binisita niya ito last Christmas.

“F—k them! Asikasuhin na lang nila ang buhay nila, sobra na sila. I have the right na pumunta kina Ynna dahil friend ko siya at hindi dahil nakikipagbalikan ako sa kanya. Nakakapikon ang sinasabi nilang ginagamit ko si Jen. Hindi ba masaya ang mga buhay nila?” tanong ni Mark.

Kuwento ni Mark, na-block niya sa Twitter at Instagram ang fans niyang ito pero nag-i-e-mail sa kanya at masasama ang sinasabi. Galit kay Ynna ang mga ito noong nasa GMA 7 pa si Ynna pati ngayong nasa ABS-CBN na ang ex-girlfriend.

Sa fans nina Mark at Jennylyn na wish magkabalikan ang dalawa, parang malabo dahil pareho silang hindi raw nakikipagbalikan sa ex. Pero malay natin ’no?

Direk Mac excited na idirek sina Lovi at Derek

Nakita namin si director Mac Alejandre sa presscon ng Obsession at kinumpirmang may offer ang Regal Entertainment sa kanya na idirek ang remake ng Where Love Has Gone. Parang tatanggapin nito ang offer pero magpapaalam muna siya sa TV5 na tiyak namang papayagan siya.

Si Joey Gosiengfiao ang original na nagdirek ng movie at sina Albert Martinez at Snooky Serna ang mga bida at marami pang kasama sa cast. Sa remake, sina Lovi Poe at Derek Ramsay ang mga bida at tinanggap na raw ang project ng aktor, pina­yagan ito ng Viva Films dahil hindi exclusive ang kontrata nito sa film company.

Hindi namin natanong si Direk Mac kung ano ang last movie na dinerehe niya pero kita ang excitement nito na muling gagawa ng pelikula.

 

Show comments