MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Court of Appeals kahapon ang petisyon sa naunang deklarasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na isuspindi ang noontime variety show na nai-host noon ni Willie Revillame sa TV5.
Matatandaang ang Willing Willie, na tumakbo mula 2010 hanggang 2011 bago na-reformat sa Wil Time Bigtime, ay natigil sa pagsasaere matapos lumabas ang isang umiiyak na anim na taong gulang na lalaki sa isang game segment dahil pinasasayaw ng TV host sa hindi kanais-nais o kaaya-ayang galaw.
Sa isang hiwalay na resolusyon noong Jan. 6, 2014, idinismis ng Associate Justice na si Manuel Barrios ang motions for reconsideration na nai-file ng Revillame-owned Wilproductions at ng Associated Broadcasting Company na humihiling sa korte na idispatsa ang idinulog na suspensiyon ng MTRCB.
“The classifications body did not commit any grave abuse of discretion when it imposed a suspension over a segment it judged as ‘insensitive,’†saad sa resolusyon ng korte.
“Philippine laws which reflect the needs of the Filipino people and thus, Filipino cultural valued highly recognize the necessity to protect the child,†ayon pa sa resolusyon, kasama sina Associate Justices Remedios Salazar-Fernando at Normandie Pizarro.
“The child’s interests are safeguarded so much so that the State, as parens patriae, takes upon itself to protect and minimize the risk of harm that may fall upon one who still has not developed his full capacity to protect himself,†dagdag pa sa ruling ng korte na nagpapaalala sa role ng gobyerno na tumayong magulang ng isang bata kung kinakailangan.
Nauna na rito ay may naganap nang ruling noong May 17, 2013 na sumusuporta sa naigawad na suspension na tinatawag ng korte si Revillame na “insensitive†para isakripisyo ang dignidad ng isang bata kapalit ng pera.
Ang pinakahuling resolusyon ay ipinaabot din sa Wil Time Bigtime na na-reformat nung January 2013 bilang Wowowillie. Ngunit nagtapos na rin ang noontime show nung October 2013.