^

PSN Showbiz

Phil ayaw nang malaman ang mga ginagawa ni Angel

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May tsikang na-unfollow na ni Phil Younghusband ang ex-girlfriend nitong si Angel Locsin sa Twitter at Instagram. Ito’y pagkatapos aminin ng aktres na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend na si Luis Manzano.

Kung totoo ang ginawa ni Phil, tama ang fans nila na nasaktan nang husto ang binata sa inamin ng aktres. Naunang umamin si Phil na hindi pa siya nakapag-move on after their breakup at may paha­yag pang “I picture my future with her.”

Samantala, nakatanggap kami ng DM o Direct Message sa isang nagpakilalang PhilGel (Phil and Angel) fan dati pero ngayon si Phil na lang ang si­nu­suportahan nila pagkatapos umamin ni Angel. Wrong timing daw sa aktres ang ginawa nitong pag-amin at “sort of begging for a reconciliation” on national TV dahil kasabay nito ang promo ng The Legal Wife.

Saka fresh pa raw ang breakup nina Angel at Phil at sa ginawa ng aktres, hindi nito binigyan ng respeto ang football star na nagpahayag na in love pa sa kanya. Nagpaliwanag na si Angel tungkol dito at patuloy na humihingi ng pang-unawa sa fans.

Natatandaan namin, after his breakup with Angel, na-link si Phil kay KC Concepcion. Obviously, tuksuhan lang ‘yun at na­tukso rin si KC kay Luis bago umamin si Angel.

Kristoffer muntik nang mabiktima ng road rage

Kung tuloy ang press­con today ng Pa­raiso Ko’y Ikaw, maikukuwento ng buo ni Kris­toffer Martin ang nangyaring hit and run sa kanya, madaling-araw ng Jan. 17. Ang nakakatakot, nang maabutan ang nakabangga sa kanya, pinilit niyang pababain para kausapin.

Tama ang fans ng aktor, paano kung may baril ang driver o owner ng sasakyan at nagalit sa kanya? Baka naging biktima siya ng road rage. No wonder, nasermunan si Kristoffer ng kanyang mga magulang.

Masaya pa naman earlier si Kristoffer dahil pu­ma­sa sa midterm exam sa en­trepreneurship course niya sa San Beda. Saka magpa-pilot na sa Jan. 27 ang Paraiso Ko’y Ikaw bago mag-24 Oras. Konting ingat at marami ang nadidisgras­ya da­hil sa road rage!

Anyway, maganda ang pasok ng 2014 kay Kris­toffer dahil bukod sa soap, kasama rin siya sa horror movie na Basement na showing sa Feb. 12.

Drew nagpa-bachelor’s party na, ikakasal na nga kay iya

Malapit na sigurong ikasal sina Drew Arellano at Iya Villania dahil last Sunday daw ang ba­chelor’s party ng TV host. Ginawa sa Pauly’s sa The Fort, Taguig City ang sinabing bachelor’s party.

Matatandaang last year pa nabalita ang pagpapakasal nina Drew at Iya pero hindi kinumpirma ng dalawa at ayaw ngang pag-usapan.  

Kailan naman kaya ang bachelorette party para kay Iya? Sana may makatisod din ng balita.

Carl humiwalay na kay Kris

 Nag-expire na pala ang kontrata ni Carl Guevarra sa GMA 7 kaya natanggap ng manager nitong si Perry Lansigan ang offer ng TV5 para makasama ang aktor sa cast ng bagong show ng network na Trenderas.

Pero program contract lang daw ang pinirmahan ng aktor, kaya puwede pa rin siyang bumalik sa GMA 7 kung o-offer-an. Habang wala pang show ang Kapuso para sa kanya, balik-TV5 muna siya.

Musical-drama ang concept ng Trenderas na tungkol sa new singers na nagti-trending sa YouTube. Pinangungunahan ni Nora Aunor ang cast at kasama sina Sheryl Cruz, Tina Paner, Ding­dong Avanzado, at marami pang iba. Sa March 31 daw magsisimula ang airing ng Trenderas.

Siguro naman kahit wala na sa GMA 7 si Carl, hindi nito makakalimutan si Kris Bernal. Lalo na ngayong open na ang aktres sa kanila.

 

ANGEL

ANGEL LOCSIN

CARL GUEVARRA

DIRECT MESSAGE

DREW ARELLANO

IKAW

KRISTOFFER

SHY

TRENDERAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with