Liz Uy hindi makahanap ng makaka-date

Maganda ’yung dating game episode ng Magandang Gabi, Vice na inihanap ni Vice Ganda, sa tulong na rin ni Lauren Uy, ang sikat na kapatid nitong si Liz Uy ng isang ka-date. Bagama’t okay ’yung napili nila para maka- date ng sikat na sty­list, na maganda pala sa screen kaya pala pinagkakaguluhan ng maraming kalalakihan kasama na ang Pangulo ng Pilipinas, ay mas maraming kina­ringgan ng pang­hihinayang sa hindi pagkakapili sa isang searchee.

Ang masuwerteng makaka-date ni Liz, kung totoo ngang mangyayari ang date nila, ay isang dan­cer ng G Force.

Marami ang humihiling na gawing regular segment ni Vice ang dating game.

Luis at Angel, dapat munang mag-isip-isip

Marami ang aprub kung magbabalikan sina Angel Locsin at Luis Manzano. I’m sure pati magulang nila, kamag-anak, and even friends ay magi­ging masaya for them.

Wish ko lang na kayang ma-sustain ng what they think they feel today what they felt before they parted. Kaya ipinapayo kong pag-isipan nilang mabuti kung babalikan nila ang nakaraan. They are the persons that they were before.

 

Show comments