Carla may lihim na galit kay Marian?!

May galit daw ba o inggit si Carla Abellana sa GMA Primetime Queen Marian Rivera? Marami kasing na-intriga nang mag-post si Carla the other day ng picture ng kanyang lola na si Ms. Delia Razon. Walang nakitang masama ang fans except sa nakalagay sa caption ay : “Para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Wala kayo sa lola ko.”

Nakakapit ngayon sa pa­ngalan ni Marian ang tagline na Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw dahil sa seryeng Carmela na magsisimulang umere sa January 27.

Bakit naman daw all of a sudden ay mag-a-upload si Carla ng photo ng kanyang lola na ‘yun ang caption kung walang bahid ng intriga?

Eh malamang na maka-partner pa naman daw ni Dingdong Dantes sa isang serye sa GMA si Carla na hindi pa alam ng source ko kung kailan mag-i-start.

Isa pang napansin ng source, bakit daw si Marian pinupuri-puri ng mga nakakasama niya sa trabaho? Eh bakit daw si Carla, ni hindi man lang daw nakikisama lalo na nung panahong ginagawa nila ang My Lover’s Husband sa same staff na katrabaho ni Marian?

So pinaiiral daw ba ni Carla ang pagiging maldita?

TV5 anchor nasa GMA na

May bagong programa na dedicated sa mga kababayan nating nagta-trabaho sa abroad ang GMA News TV, ang Boarding Pass, hosted by Atty. Mike Templo.

Sa rami nang mga nangyayari sa mga kababa­yan natin na nagpapakapagod sa abroad matustusan lang ang kanilang pamilya rito, hindi mauubusan ng topic ang programa na tatalakay sa mga kinasasangkutang issues katulad ng immigration, finance, employment and sasagot sila sa mga tanong o nangangailangan ng tulong.

At mapapanood ito internationally, through GMA Life TV. Immigration Specialist si Atty. Templo na anak ng dating aktres na si Mildred Templo.

Twelve years nang abogado si Atty. Templo. He graduated from Touro Law School in New York in 2002 at pumasa sa bar exam nang taong ding ‘yun. He practiced law in the U.S. for five years and experienced the struggles and hardships of living abroad (being immigrant).

At noong 2007 siya bumalik ng bansa para ipagpatuloy ang pag-aabogado at tulungan ang mga kababayan nating may legal problems with their petition and application sa US Immigration.

Actually hindi na siya bago sa pagho-host dahil noong 2010 ay naging news anchor siya sa TV5 at ngayon nga ay isa na siya sa mga trusted host sa GMA News TV.

May apat na segment ang Boarding Pass – On Board, Balikbayan Box, Sikap Pinoy and Happy Trip.

Sa presscon kahapon ng programang mag-uum­pisang mapanood sa January 25, 5:10 to 5:40 p.m., nag-apir ang dating singer na si Vincent Dapalong. Yup, sa mga nakakakilala sa dating novelty singer, kumakanta pa rin siya. Sosyal, asensado na ang kanyang dalawang anak na nagta-trabaho sa abroad. ‘Yung isa pa nga niyang anak ang kumanta sa huling laban ni Donaire. Kumakanta pa rin ang dating no­velty singer, ‘yun nga lang sa mga probi-probinsiya na at mapapanuod ‘yun sa Boarding Pass.

Boy pick up biglang nabuhay

Sikat na sikat si Boy Pick Up sa privilege speech ni Sen. Bong Revilla sa senate kahapon. Si Ogie ang nakilala Boy Pick Up sa Bubble Gang at ginawa pa ngang pelikula.

Pero kahapon ay si DILG Sec. Mar Roxas ang inakusahang Boy Pick Up.

 

 

Show comments