First time Vilma nakakuha na ng int’l award sa Bangladesh!

MANILA, Philippines - Congrats kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil siya ang best actress ng 13th Dhaka International Film Festival (DIFF)!

Nag-win si Mama Vi para sa kanyang papel na ginampanan sa Ekstra (Extra: The Bit Player). Nanalo rin noon si Mama Vi ng best actress trophy sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival para pa rin sa Ekstra. Sino ngayon ang magsasabi na malas ang number 13 na lucky para sa Star for All Seasons?

Prestigious na event sa Bangladesh ang Dhaka International Film Festival. Hindi pamilyar ang mga Pinoy sa DIFF na biglang nakilala dahil sa karangalan na ipinagkaloob nila kay Mama Vi.

Naniniwala ako na credible ang jury ng DIFF dahil ang acting talent at hindi ang popularity ang pinagbasehan nila ng kanilang pasya. Hindi naman nila kilala nang personal si Mama Vi na very deserving sa bagong best actress award na karagdagan sa mga koleksiyon niya ng best performer trophies.

Tuwang-tuwa ang Vilmanians sa tagumpay ng kanilang idol. Ang best actress trophy ni Mama Vi ang katuparan ng kanilang ipinagdarasal na manalo ng international award ang Star for All Seasons. Malay natin, masundan pa ang mga best actress award ni Mama Vi mula sa mga international film festival na sasalihan ng Ekstra.         

Marian, Jennylyn panay ang salita at kaway habang umaandar ang karosa

Pinagkaguluhan kahapon sa Cebu City ang mga artista ng Sunday All Stars na live na napanood sa TV mula sa Sinulog Festival.

Nasilip ko kahapon ang Sunday All Stars at nagulat ako dahil umaandar ang karosa na sinasakyan ng mga artista ng Carmela at Rhodora X habang nagsasalita sila. Hindi madali ang ginawa nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Alden Richards, at Marian Rivera dahil any moment, baka mawala ang kanilang balanse at masubasob sila.

Si Marian pa naman, walang pakialam na kaway nang kaway sa fans na nakahilera sa kalsada ng Cebu, kesehodang gumagalaw ang karosa.

Rhian nag-enjoy sa Sinulog, nagpa-pintura sa mukha

Kasali rin sa Sinulog Festival si Rhian Ramos. Matagal-tagal na rin na artista si Rhian pero first time niya na umapir sa Sinulog Festival.

Nag-enjoy si Rhian dahil hindi niya inaasahan na masaya ang Sinulog Festival. Game na game na nagpalagay ng pintura sa mukha si Rhian bilang pakikiisa niya sa mga nagdiwang ng festival na dinarayo sa Cebu ng mga turista.

Ang Genesis ang huling teleserye ni Rhian sa GMA 7. Isang indie movie na may pamagat na Silong ang ginawa niya. Si Piolo Pascual ang kapareha ni Rhian sa Silong.

Richard uuwi para sabayan sa birthday celebration si Raymond

    Pabalik na ng Pilipinas sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na matagal na nagbakasyon sa Amerika at sa Europe.

Hindi na puwedeng i-postpone ang pagbabalik ng dalawa sa Pilipinas dahil birthday na bukas nina Richard at Raymond. Hindi puwedeng si Raymond lang ang solo na mag-celebrate ng kanyang birthday dahil kambal sila ni Richard. Taun-taon, magkasamang ipinagdiriwang nina Raymond at Richard ang kanilang mga kaarawan.

Sen. Bong pinaghandaan ang moment sa Senado

Good luck kay Sen. Bong Revilla, Jr. dahil ngayon ang privilege speech niya sa Senado. Hindi na ako pupunta sa senate dahil panonoorin ko na lang sa TV ang pagsasalita ni Bong sa unang pagkakataon tungkol sa mga isyu na ibinabato sa kanya.

Confident ako na malinaw at maayos na masasabi ni Bong ang lahat ng nilalaman ng puso at isip dahil pinaghandaan niya ang kanyang moment sa Senado.

Show comments