MANILA, Philippines - Noong kanyang kabataan, maalwan ang buhay para sa pamilya ni David Leechiu. Dati silang may appliance store sa Cubao, Quezon City. Pero isang sunog ang tumupok dito at sa kanilang nakasanaÂyang buhay.
Sa isang iglap, nawala ang kanilang mga pundar mula sa tatlong kotse sa garahe hanggang sa gamit sa loob ng bahay. May utang pa sila dahil ang kailaÂngan nilang bayaran ang mga appliance sa mga komÂÂpanyang pinagmulan nito. Natatandaan ni David na sapat lang sa dalawang araw ang perang natira sa kanila.
Nakita ni David kung paanong nagtrabaho ng 18 oras kada-araw ang kanyang mga magulang para makabawi. At dahil din sa kagustuhang mapaunlad muna ang buhay, hiniwalayan niya ang nobya na kalaunan ay siya ring napangasawa niya.
Nang matapos mag-aral, naging empleyado muÂna si David. Kalaunan, kasama ang ilang mga kaibigan ay itinatag niya ang Leechiu and AssoÂciates, isang pipitsugin sa larangan ng real estate. Pero maÂkalipas ang ilang taon, ito na ang isa sa mga nanguÂngunang kompanya sa larangang ito.
Ano ang sikreto ng isa sa mga pinakabata at matagumpay na pangalan sa property investÂment at real estate? Alamin ’yan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod ngayong Lunes, ika-10 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11.