MANILA, Philippines - Usapang malikot, maharot, at makirot ang handog sa mga pilyo at pilyang mambabasang Pinoy ng kauna-unahang libro ng “Primetime Queen†ng Philippine FM radio na si DJ Chacha ng My Only Radio (MOR) 101.9 For Life!
Pinamagatang Napakasakit Ate Chacha: Mga Usapang MaÂlikot, Maharot at Makirot, ang best-selling self-help book ni Chacha ay tiniyak niyang kaaaliwan ng lahat.
“Ito ay para sa mga taong nagmahal, nagmamahal, nasaktan, at gustong magmahal ulit. Pang-girl, boy, bakla, at tomboy s’ya. Lahat ng issues ng bawat tao pagdating sa pag-ibig nasa librong ito kaya tiyak na makaka-relate kahit na sino,†sabi ni Chacha na kamakailan ay kinilala bilang best radio DJ ng UP Gandingan 2014 Awards at 12th Gawad Tanglaw.
Ibinahagi ni Chacha na dahil sa kanyang libro, na-realize niya kung gaano na napalapit sa puso niya ang pagiging isang Kapamilya radio DJ na nagkataong kauna-unahang trabaho niya.
“Memorable ’yung experience habang binubuo naming ’yung compilation ng love advice para sa book dahil mas pinahalagahan ko ang araw-araw na love calls ng listeners ko at na-discover ko rin na hindi lang pala ako magaling dumaldal, marunong din pala akong sumulat,†pahayag ni Chacha.
Binuo niya ang konsepto ng libro kasama sina MOR 101.9 For Life! head Roxy Liquigan, editor niyang si Grace Libero at ang kaibigan niyang manunulat na sumakabilang-buhay kamakailan na si Butch Guerero.
“Napaka-personal sa akin ng book na ito kasi nag-effort talaga ako para masiÂguradong masarap ulit-uliting basahin ang lahat ng laman n’ya. Tulad ng aking radio show, puno ang ‘Napakasakit Ate Chacha’ ng mga nakakatawa, pilya, at makatotohanan pero totoong makakatulong na usapan tungkol sa pag-ibig at relasyon,†sabi ni Chacha.
Tinagurian ding “Ang Nag-iisang Diyosa sa Balat ng Radyo,â€
pagka-graduate sa college ay pinasok na ni Chacha ang mundo ng radyo noong 2008 bilang DJ sa FM station ng ABS-CBN.
Ang Napakasakit Ate Chacha: Mga Usapang Malikot, Maharot at Makirot ng ABS-CBN PubliÂshing, Inc. ay mabibili na ngayon sa bookstores naÂtionwide sa halagang P175 lamang.