Marian hindi apektado kahit itapat kay Angel

SEEN: Tanggap ni Angel Locsin ang mga negative feedback sa kanyang pag-amin na mahal pa rin niya si Luis Manzano dahil mas mahalaga raw na naging honest siya sa sarili.

SCENE: Ipagdiriwang nina Richard at Raymond Gutierrez ang kanilang 30th birthday sa Jan. 21 sa 71 Gramercy, ang bar na pag-aari ng twin brothers sa Kalayaan Avenue, Makati City.

SEEN: Hindi apektado si Marian Rivera ng balita na magtatapat ang mga primetime show nila ni Angel Locsin. Ang mga home studio raw nila ang nagtapatan, hindi sila ni Angel.

SCENE: Kahapon ang huling araw ng taping ng Prinsesa ng Buhay Ko ng GMA 7.

Sa Jan. 24 ang airing ng last episode ng early primetime teleserye nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

SEEN: Hindi mababakante si Aljur Abrenica dahil ang Kambal Sirena ang kanyang susunod na project, pagkatapos ng Prinsesa ng Buhay Ko.

SCENE: “I am PoGay” ang bagong contest ng It’s Showtime na inspired ng success ng That’s My Tomboy. Mga gay na pogi ang kailangan sa I am PoGay.

SEEN: Sumali uli sa Bb. Pilipinas 2014 ang veteran beauty pageant contestant na si Diana Arevalo na semi-finalist sa Bb. Pilipinas noong 2009 at 2011.

SCENE: Ngayon ang last episode ng Out of Control, ang Saturday afternoon docu-reality show nina Rocco Nacino at Mariz Umali sa GMA 7.

SEEN: Tupe ang pangalan ni Ogie Alcasid sa Confessions of a Torpe, ang tawa-serye ng TV5. Co-stars ni Ogie sa Confessions of a Torpe sina Alice Dixson, Gelli de Belen, at Wendell Ramos.

Noong Huwebes ang unang araw ng taping ng show na ipapalit sa Madam Chairman ni Sharon Cuneta.

                                                          

 

Show comments