Botong-boto: Edu ipinagtanggol ang pag-amin ng feelings ni Angel kay Luis

Nagbigay ng reaksiyon si Edu Manzano tungkol sa ginawang pag-amin ni Angel Locsin sa tunay nitong nararamdaman sa dating kasintahan na si Luis Manzano.

“I think in our own little way, we all love our past loves. They actually touched your heart eh. Minsan ang isang tao, kapag na-touch ang iyong puso, mananatili ’yan panghabang-buhay,” nakangiting pahayag ni Edu.

Hindi raw masisisi ng aktor si Angel kung hindi man nito napigilan ang kanyang damdamin para kay Luis.

“Sometimes may mga tao sa buhay mo na nagkakaroon ng matinding epekto sa iyo. ’Yun ay hinding-hindi mo, kahit may dumating pa na isang daang lalaki, hinding-hindi mo makakalimutan,” paliwanag ni Edu.

Gustung-gusto ng aktor si Angel at napahanga rin si Edu sa dalaga sa pagtataguyod nito sa bulag na ama.

“I like Angel. Nagustuhan ko ’yung kanyang personality and at the same time nagustuhan ko ’yung kung paano niya alagaan ang kanyang ama. That drew me closer to her,” pagtatapat ng aktor.

Pabor kaya si Edu na magkabalikan sina Angel at Luis?

“Only they can tell. At the end of the day, it wasn’t meant to go smoothly forever. There would be humps. Magkakaroon ng away-away but it ends. If it’s going to make them both happy, I really would like to see them happy. I love my children very, very much. I try to remain too close to all of them and to their loved ones,” sagot niya.

Alma ipinagmamalaki ang pagiging tanga queen

Malaki ang pasasalamat ni Alma Moreno sa pagbabansag sa kanya ng Tanga Queen mahigit dalawang dekada na ang nakararaan. Lalong sumikat ang aktres dahil sa kanyang show noon na Loveliness na regular siyang napapanood na nakasuot ng tanga habang sumasayaw.

“Hanggang ngayon, tatak ko pa rin ’yun. Hindi nawawala ’pag pinag-uusapan ’yung tanga, hindi puwedeng hindi mabanggit si Alma Moreno,” bungad ni Alma.

“Malaking bagay sa akin iyan. Nakilala ako bilang Alma Moreno dahil sa pagsasayaw ko. Kaya ipinagmamalaki ko na naging dancer ako, naging Tanga Queen ako,” giit pa ng aktres.

Ayon kay Alma ay ibang-iba na raw talaga ang panahon ngayon dahil hindi lahat ng nagta-tanga sa mga baguhang artista ay tumatatak sa mga manonood.

“Kasi noong panahon namin, ilan lang kami. Si Vi (Vilma Santos), ako, si Maria (Maricel Soriano). Iyon ’yung mga magkakaano (magkakasabayan), iilan lang kami. Kasi ngayon, ang dami eh kaya walang tumatatak. Hindi tulad namin,” pagtatapos ng aktres.

Ngayon ay nagsisilbing konsehal si Alma sa Parañaque City at siya rin ang tumatayong presidente ng Philippine Councilors League. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments