GMA 7 at TV5 nagkopyahan sa kuwento nang hiraman ng mukha?

Parang pareho ang story ng Obsession ng TV5 at The Borrowed Wife ng GMA 7 na tungkol sa panghihiram ng mukha. Sa paglalahad at takbo ng story na lang magkakaiba ang dalawang soaps. Pero totoo bang may nag-react sa dalawang networks na ginaya raw ang concept nila?

Mauunang umere ang The Borrowed Wife bukas na, after Magkano Ba ang Pag-ibig? at ang Obsession ng TV5 ay sa Jan. 23, 8 p.m. Ang una’y Monday to Friday at ang huli’y every Thursday, hintayin natin ang magiging resulta nito.

Maganda ang pilot episode ng Obsession sa direction ni Jay Altarejos at tatakbo ng 12 weeks. Parang movie ang treatment nito sa series at nararam­daman ang bawat eksena. Advantage na weekly ang airing ng series dahil napaghahandaan at napapaganda ng husto.

Kasama sa cast ng Obsession si Marvin Agustin as Dr. Ramon Mendoza, ang cosmetic surgeon na babago sa mukha ni Neri Naig. Excited ito dahil maganda ang comeback project after three years na hindi gumawa ng soap.

Magaling si Neri sa role niyang si Bernadette na bipolar, insecure, at obsessed. Pasalamat tiyak ito dahil sa Q&A, hindi siya tinanong sa pinagdaanang kontrobersiya.

Solenn gustong bumalik sa India

Nakuwento ni Solenn Heussaff sa presscon ng Mumbai Love na hindi siya, kundi si Jasmine Curtis Smith ang original choice sa role ni Ella sa Mumbai Love. Hindi lang nito natanggap ang project dahil sa studies. Second choice lang siya at okay lang sa kanya at ang importante ay siya ang final choice.  

Gustung-gusto ni Solenn ang Mumbai Love dahil iba ang role niya. Hindi siya malandi at hindi pa-sexy at hindi naghahabol ng lalaki na lagi raw niyang role sa mga pelikulang nagawa na. Para siyang bata, very light at pang-pamilya.

As Ella, iniba ang makeup, hairstyle, at pananamit niya para bumagay kay Kiko Matos na kanyang kapareha.

Dahil din sa Mumbai Love, nakarating siya sa India na kasama pala sa bucket list ng country na gusto niyang puntahan bago siya mamatay. Given the chance, gusto niyang bumalik at i-explore pa ang India na very colorful, very eccentric, at rich ang history and culture.  

Raymond muntik bawian ng green card dahil nag-overstay sa ’Pinas

Si Lolit Solis pala ang manager ni Raymond Bagatsing at thankful ang aktor na tinanggap siya ng talent manager dahil ayaw na nitong magdagdag ng talent. Isa pang ipinagpapasalamat ni Raymond sa manager, ipinaglaban siya nitong makasama sa cast ng Carmela.

Nasa Amerika siya nang magsimulang mag-taping ang Carmela, hindi siya makauwi agad dahil inaayos ang green card niya na muntik bawiin dahil nag-overstay siya rito. Suwerte siya’t naibalik ang green card at nakahabol pa sa Carmela. Ginagampanan ang role ni Dante na mao-obsessed kay Carmela (Marian Rivera).

Natawa kami sa sinabi ni Raymond na malaking sakripisyo ang ginawa niya para makuha ang green card. Kahit hindi nag-elaborate, parang nasakyan namin ang gusto nitong tukuyin.

Anyway, third time nang makasama ni Raymond si Marian. Sa Temptation of Wife, father-in-law siya ng aktres, sa Amaya, anak niya si Marian at dito sa Carmela, mao-obsess siya pero hindi siya masama, si Rochelle Pangilinan na GF niya.

 

Show comments