Marian ayaw magpa-pressure sa clamor na kasal kay Dingdong

Napakasuwerte ni Alden Richards! Sa dinami-dami ng mga kabataang Kapuso na nangangarap mabigyan ng break ng GMA ay siya ang pinalad. Hindi lamang siya ang napili para maging leading man ni Marian Rivera sa pinakabagong serye nitong Carmela, obvious na malaki ang tiwala sa kanya ng direktor ng serye na si Dominic Zapata.

“Magiging isa siyang malaking artista. Magaling siya at mahusay humugot ng emosyon hindi sa personal niyang buhay kundi sa character na ginagampanan niya,” paunang papuri ng direktor sa mga kausap nito sa malaking pa-presscon na ibinigay ng network para sa kanilang “reyna.”

Mas bata ng anim na taon ang ginagampanang character ni Alden Ri­chards na si Yago sa Carmela character ni Marian. Kaya naman maraming pagbabago ang ginawa ng aktres para magampanan ang kanyang role. Bukod sa ginawang kulut-kulot ang straight niyang buhok, binago rin niya ang kanyang pananamit. First time niyang magsuot ng sando, snea­kers, at maging ’yung pag-deliver niya ng kanyang lines ay iba rin, ginawang mas mabilis.

“Nagbabad din kami sa MRT ni Alden. Dun kami nagtatagpo,” sabi ng bidang aktres.

 Sa video lamang na ginawa para sa serye ay nakita na ang nakakakilig na halikan nila ng mas nakababatang aktor.

“Hindi naman tungkol sa halikan at mga love scene lang ang istorya. At hindi rin nilagyan ng mga ganitong eksena ang serye para makahatak ng manonood. Talagang kailangan ’yun sa kuwento para maipakita ang relasyon ng dalawang major characters,” sabi ni Marian na nagsabing wala na siyang mahihiling pa sa buhay.

Bakit hindi? Maganda ang kanyang career at maganda rin ang relasyon nila ni Dingdong Dantes na sa kasalukuyan ay may nilulutong isang pelikula para sa kanya.

“Ayaw kong pa-pressure sa napakalaking clamor ng marami na magpakasal na kami. Kapag naramdaman namin na kailangan na naming gawin ito, saka kami magpapakasal,” rason ni Marian.

Sa ngayon, bukod sa magandang takbo ng kanyang career at love life, ay may komunikasyon sila ng ama niya na nasa Espanya.

Hindi rin siya nawawalan ng panahon para sa kanyang lola at ina.

“Nagsisimba kaming magkakasama. Kumakain din kami madalas sa labas. Hindi sila ma-showbiz,” imporma ng aktres.

Toni at Alex nagpaka-fan ni Ellen DeGeneres, nabigyan din ng libro ni Drew Barrymore

Sa kabila ng kanilang kasikatan bilang artista, nagmistulang fans ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga nang pumas­yal sila ng istudyo ng Warner Brothers sa Burbank, California, USA, kung saan ginaga­nap ang prog­ramang The Ellen DeGeneres Show.

Na-meet na nila ng personal ang pamosong lesbian host, masa­ya rin sila na ma­ka­panood ng live ng show nito. Nakita rin nila ang sikat na Hollywood actress na si Drew Barrymore na guest sa show. Nabigyan pa sila ng kopya ng libro nito na may personal autograph.

Aiko mapipilitang iwan ang mga anak

Sasabak muli ang award-winning actress na si Aiko Melendez sa matinding dramahan sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi. Gagam­panan niya ang karakter ni Gloria, isang ina na na­pilitang iwan ang mga anak para maghanap ng trabahong pantustos sa kanilang pangangailangan.

Kasama ni Aiko sa episode sina Sharlene San Pe­dro, Maliksi Morales, John Manalo, Ces Quesada, Cris Villanueva, Daisy Reyes, Amy Nobleza, Dexie Daulat, at Tata Mara. Ang kuwento ay idinirek ni Raz dela Torre.

 

Show comments