Meron bang hindi kumpormi sa ginawang pag-amin ni Angel Locsin na mayro’n pa rin siyang pagtingin sa kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano? Kung meron, eto siguro ’yung mga nagtataka kung bakit pa sila naghiwalay gayung may damdamin pa sila sa isa’t isa. Dapat noon pa lang ay ipinaglaban na nila ang pag-ibig nila. Pero bakit nga kaya sila naghiwalay in the first place?
At sa naging pag-amin ng aktres, hindi kaya ma-pressure si Luis na balikan siya?
Paano kung ang kanyang feelings para kay Angel ay hindi na tulad ng dati? At one-sided na lamang ang kanilang magiging love affair? Tsk, tsk, tsk.
Anne halos perpekto na
Meron pa bang kailangang iparetoke si Anne Curtis? Eh mukha namang nung nagsabog ang Diyos ng biyaya sa lupa ay isa siya sa mga nabiyayaan. Hindi lamang siya maganda, well-endowed din at may talent pa!
Ano naman ang kailangan pa para magampanan niya ng mahusay si Dyesebel. ’Di ba, wala na?
Mga copycat ng Beatles grabe sa mahal ang tiket
Nakita ko ’yung mga Bootleg Beatles, ’yung grupong pinakamalapit manggaya sa orihinal na grupo ng mga kumakanta at sikat na Briton nung ’60s. May performance sila rito at para ngang lubhang napakamahal ng tiket for their show eh hindi naman sila ’yung orihinal na grupo. Gaya-gaya lang sila. Porke ba dala-dala nila ang pangalang Beatles ay ka-level na nila ito?
Dapat ang tiket nila ay hindi naman ganun kamahal dahil hindi nga sila ang The Beatles, sound-a-like lang at ni hindi nga lookalike nina Paul McCartney, Ringo Starr, George Harrison, at John Lennon.