Madam Chairman ni Mega papalitan ng Torpe ni Ogie! Out of control ng GMA, last episode na agad
Seen : Tanggap ni Angel Locsin ang mga negative feedback sa kanyang pag-amin na mahal pa rin niya si Luis Manzano dahil mas mahalaga raw na naging honest sa sarili.
Scene : Ipagdiriwang nina Richard at Raymond Gutierrez ang kanilang 30th birthday sa January 21 sa 71 Gramercy, ang bar na pag-aari ng twin brothers sa Kalayaan Avenue, Makati City
Seen : Hindi apektado si Marian Rivera ng balita na magtatapat ang mga primetime show nila ni Angel Locsin. Ang mga home studio raw nila ang nagtapatan, hindi sila ni Angel.
Scene : Kahapon ang huling araw ng taping ng Prinsesa ng Buhay Ko ng GMA 7. Sa January 24 ang airing ng last episode ng early primetime teleserye nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Seen : Hindi mababakante si Aljur Abrenica dahil ang Kambal Sirena ang kanyang susunod na project, pagkatapos ng Prinsesa ng Buhay Ko.
Scene : I am PoGay ang bagong contest ng It’s Showtime na inspired ng success ng That’s My Tomboy. Mga gay na pogi ang kailangan sa I am PoGay.
Seen : Sumali uli sa Bb. Pilipinas 2014 ang veteran beauty pageant contestant na si Diana Arevalo na semi-finalist sa Bb. Pilipinas noong 2009 at 2011.
Scene : Ngayon ang last episode ng Out of Control, ang Saturday afternoon docu-reality show nina Rocco Nacino at Mariz Umali sa GMA 7.
Seen : Tupe ang pangalan ni Ogie Alcasid sa Confessions of a Torpe, ang tawa-serye ng TV5. Co-stars ni Ogie sa Confessions of a Torpe sina Alice Dixson, Gelli de Belen at Wendell Ramos. Noong Huwebes ang unang araw ng taping ng show na ipapalit sa Madam Chairman ni Sharon Cuneta.
- Latest