Bakit kaya nagkakaamuyan ang mga TV network pagdating sa pag-i-expire ng kontrata ng mga talent ng ibang istasyon?
Contracts should be made private among the parties concerned and should not be disclosed to other parties pero hindi ganito ang nangyayari sa talents and managers na siyang nagpapalutang ng pag-i-expire at re-negotiation ng mga talent with the TV network. Kadalasan, nagle-leak sa media ang nalalapit na pag-i-expire ng kontrata ng talent sa kanyang home studio at kapag ito’y lumutang, may lumalabas na alok ng home studio at kalabang istasyon.
Ang nagkakaroon ng leverage dito ay ang talent at ang kanyang manager dahil nakukumpara nila ang alok ng magkabilang panig. Dahil ayaw mawala ng home studio ang kanilang contract talent, napipilitan silang mag-counter offer o ’di kaya mag-adjust ng kanilang offer kapag nalaman nila na may alok umano ang kalabang istasyon.
Last year, pinag-usapan nang husto ang magkakahiwalay ng kontrata ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez at magkasintaÂhang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Si Ogie ay umalis ng GMA para pumirma sa TV5 habang nanatili namang Kapuso sina Regine, Dingdong, at Marian. Lumutang din ang paglipat diumano ni Kris Aquino ng TV network pero muli itong lumagda ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network na sinundan ni Vice Ganda.
Expired na kahapon (Jan. 16) ang kontrata ni Dennis Trillo sa GMA pero may balitang pipirma umano ito ng ABS-CBN sa halip na manatili sa bakuran ng Kapuso Network. May haging pang may isa umanong may pangalang aktor ang nakatakdang pumirma o lumipat sa TV5. Pero hangga’t walang pirmahang nagaganap, ang lahat ng ito’y mananatiling espekulasyon lamang.
Pakikipagbalikan ni Luis ni-reject noon ni Angel
Tiyak na lumaki ang puso ni Luis Manzano nang nalaman niya na sinabi ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin na mahal pa rin siya nito. Pero kung mahal pa rin ni Angel ang binata, bakit hindi niya ito binigyan ng chance na makipagbalikan sa kanya? What we remember, sinubukang muli ni Luis na makipagbalikan sa dating kasintahan pero hindi siya tinanggap ni Angel.
Unattached pa rin hanggang ngayon si Luis matapos itong makipag-break sa singer-actress na si Jennylyn Mercado although nali-link naman siya ngayon kay KC Concepcion na nililigawan naman ng aktor na si Paulo Avelino.
AiAi libre na uli
Malayang muli ang Concert Comedy Queen na si AiAi delas Alas ngayong granted na ang divorce sa pagitan nila ng kanyang short-lived marriage kay Jed Salang. Isang nightmare na maituturing ang pagkakaroon ng relasyon ni AiAi kay Jed na nauwi pa sa kanilang pagpapaÂkasal sa Las Vegas, Nevada. Ngayong wala nang ugnayan si AiAi kay Jed, positibo ang pananaw ng singer-comedienne na darating din balang araw ang hinahanap niyang si Mr. Right. Sa ngayon, mas focused si AiAi sa kanyang trabaho at sa kanyang mga anak.
Sa pagsisimula ng taon ay may bagong serye si AiAi, ang fantaserye na Dyesebel na si Anne Curtis ang nasa title role. Kasama rin sa nasabing serye sina Gerald Anderson at Sam Milby.