Hindi pa nakukuha ni Rose Fostanes ang datung na napanalunan niya sa The X Factor Israel pero iniintriga na siya.
Kesyo illegal daw ang pagsali niya sa contest dahil working permit lang ang hawak niya. Siyempre hindi dapat paniwalaan ang mga pang-ookray ng mga inggitera dahil kung hindi puwedeng mag-join ang isang foreigner sa X Factor Israel, sa auditions pa lang ay natsugi na dapat si Rose.
Halatang-halata naman na paborito siya ng judges at ng mga Israeli na bumoto sa kanya para manatili sa contest. Ngayon na nga lang natupad ang pangarap ni Rose, kinukuwestiyon pa.
Nire-recognize nga pala ng pamahalaan ng Taguig City ang tagumpay ni Rose sa Israel. Ipinaabot nila ang pagbati sa dating nameless resident ng Taguig na napilitan na magtrabaho bilang caregiver sa ibang bansa dahil sa sobrang kahirapan.
Nag-unahan ang mga local TV network at radio station sa pag-interbyu kay Rose, ilang oras matapos ang kanyang panalo sa The X Factor Israel. Naging accomodating at generous naman si Rose dahil pinagbigyan nito ang lahat ng mga request na interbyuhin siya.
Wholesome at may top rating show na celebrity bagong endorser ng Flawless
May bagong celebrity endorser ang Flawless na malapit nang makilala ng publiko. Secret muna ang identity ng new celebrity endorser na may wholesome image at top rating show sa telebisyon.
’Yan muna ang mga clue na maibibigay ko para hindi masayang ang grand reveal ng Flawless sa bagong celebrity endorser.
Startalk nag-iisang talk show na lang ’pag Sabado
Daily na pala ang Showbiz Police ng TV5 dahil mapapanood na ito mula Lunes hanggang BiÂyernes, 4 p.m. to 4:30 p.m.
Sina Raymond Gutierrez, Joey Reyes, at Cristy Fermin pa rin ang mga host ng Showbiz Police at mga maiinit na showbiz news ang kanilang ihahatid sa televiewers. Mapapanood ang Showbiz Police bago ang Face the People nina Gelli de Belen at Tin-Tin Babao.
Dahil iba na ang araw at oras ng Showbiz Police, ang Startalk na lang ang nag-iisang showbiz-oriented talk show tuwing Sabado.
Mayweather, Jr. masyadong maligalig
Tuloy na tuloy ang boxing fight ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 3 pero hindi si Congressman Manny Pacquiao ang kanyang makakalaban.
Malabo nang matuloy ang showdown ng dalawa dahil nag-iinarte si Mayweather, Jr. na maraming dahilan para makaiwas sa ating Pambansang Kamao. Hindi kawalan si Mayweather, Jr. kay Papa Manny. Masyado siyang maligalig!
Sen. Bong walang urungan sa ‘pasabog’ kahit nataon sa National Day of Prayer
Tuloy na tuloy ang privilege speech ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa darating na Lunes, Jan. 20.
Walang reason para ma-postpone sa ibang araw ang privilege speech ni Bong sa Senado, kahit nataon ito sa National Day of Prayer.
Waiting ang lahat sa mga sasabihin ni Bong sa Lunes. Suportado ng buong pamilya ni Bong ang kanyang pagsasalita.
Painting ni Marian pinapangarap ng isang male singer
Painting ang isa sa mga hobby ni Marian Rivera. Take note, may talent si Marian sa pagpipinta kaya nangangarap ang isang male singer na magkaroon ito ng painting niya.
Hindi lang ang pagpipinta ang talent ni Marian dahil magaling din siya sa beatboxing. Bihirang-bihira ang mga babae na mahusay sa beatboxing.
Baka mabawasan na ang oras ni Marian sa pagpipinta dahil busy na siya sa tapings ng Carmela na hudyat ng pagbabalik niya sa primetime ng GMA 7.
Siyam na buwan na hindi napanood sa primetime si Marian dahil noong April 2013 pa natapos ang huling teleserye niya sa GMA 7, ang Temptation of Wife.