KC pahinga muna sa showbiz

Pahinga muna si KC Concepcion sa showbiz. Kahapon ay idinaan niya sa social media ang kanyang pamamaalam sa fans na aktibo sa paggamit ng Internet.

“Goodbye for now, Manila! All set to take on a new adventure. (love, travel) #cloudimmigrant,” caption niya sa bag at TV monitor na ipinoste niya sa kanyang Instagram account.

Actually, hindi naman biglaan ang ginawa niyang ‘pamamahinga.’

Nang na-interview namin siya before Christmas, sinabi niya talagang nagpa-plano siyang mag-aral sa New York at magpapaalam nga siya sa Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus. Obviously pinayagan naman agad siya kaya natuloy ang paglipad niya pa-NY.

Sa previous interview, nabanggit din ni KC na marami pa siyang gustong matutunan particular na sa acting department kaya gusto niyang mag-aral ng special course.

Bago rin siya umalis ay nakipag-bonding ang actress-TV host sa mga kapatid at dinalaw si Megastar Sharon Cuneta sa taping nito ng Madam Chairman.

Last work ni KC for ABS-CBN ang Huwag Ka Lang Mawawala kasama sina Judy Ann Santos and Sam Milby. Sina Juday at Sam, may work na pero si KC ay wala pang kasunod na project sa kanyang mother studio. Nauna naman niyang sinabi na pag may magandang offer, magmamadali siyang bumalik ng bansa.

Maraming nag-expect na gaganap siyang Dyesebel, pero si Anne Curtis ang napili. Nag-apologize siya sa mga fans na umasa.

Showbiz police daily na

Nagkita kami ni Tita Cristy Fermin sa salon ni Bambbi Fuentes kahapon (matatagpuan sa Timog Avenue). Tinanong ko kung kailan mag-uumpisa ang daily episode ng Showbiz Police na dating napapanood tuwing Sabado sa TV5. Sa Lunes na pala. Pero siya raw, more on interview na lang sa labas, silang dalawa ni Direk Joey Reyes.

Sina Raymond Gutierrez, Divine Lee and MJ Marfori na lang ang nasa studio.

Kahapon ay naka-schedule niyang interbyuhin si Batangas Gov. Vilma Santos.

Sayang lang at hindi sila live everyday. Hindi pa naman nauubusan ng isyu sa showbiz.

Kahit sa pulitika at sports parating sabit ang showbiz.

OFW na winner ng X Factor, hindi raw makakawala sa pagiging caregiver

Wow sad naman kung hindi puwedeng maging professional singer ang OFW na nanalo sa X Factor Israel na si Rose Fostanes.

Ayon daw sa spokeswoman for Israel’s Population and Immigration Authority: “She can only work as a caregiver, according to the law.

“Of course she can sing — anyone can do that — but not as a professional.”

As in nakatali raw kasi sa kontrata niya ang pagiging caregiver.

Kawawa naman. Ito na sana ang chance niyang kumita ng malaki-laki ang makaahon sa pagiging caregiver.

 

 

Show comments