MANILA, Philippines – Matapos aminin ni Angel Locsin na mahal pa niya ang kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano, sinabi ng Kapamilya actor na bukas naman siya sa posibleng pagbabalikan nila.
Sinabi ni Luis sa kanyang panayam sa late-night news program “Bandila†kagabi na inaayos pa niya kung ano man ang natira sa kanila ni Angel.
“‘Yong ligaw kasi mahirap kasi may past na kami, e,†sagot ni Luis nang tanungin kung liligawan ba niya ang dating kasintahan.
“So kumbaga we’re slowly talking again. So sana kung pupunta do’n sa patching things up and maybe rekindling.â€
Nitong Oktubre ay inamin ni Luis na break na sila ni Kapuso star Jennylyn Mercado, halos kasabay nito ang pag-amin ni Angel na hiwalay na rin sila ng national football team member Phil Younghusband.
Sinabi kahapon ni Angel na mahal pa niya si Luis kaya naman nagulantang ang entertainment world sa kanyang pahayag.
Kaugnay na balita: Angel walang makitang iba, mahal na mahal pa si Luis
“Oo mahal, mahal naman. Ang love hindi naman nawala pero hindi naman ibig sabihin noon eh magiging kayo ulit o magkakabalikan na kayo. Kasi kailangang pag-usapan muna,†banggit ni Angel na lumabas sa ABS-CBN.com.
“Alam ko pong marami ang magre-react dito sa sinabi ko, pero pasensiya na po,†dagdag niya.
Umaasa si Angel na magkakabalikan sila ng anak ni Batangas Governor Vilma Santos.
“Sana kasi wala naman akong ibang makita pero depende ‘yan sa amin kung magiging ok kami together.â€