MANILA, Philippines - Sa pagpasok pa lang ng bagong taon, libu-libo na ang nagtutungo sa Quiapo para magbigay-pugay sa Itim na Nazareno. At bago dumating ang ika-9 ng Enero, tinatayang milyon na ang nakatupad sa panatang magtungo sa Quiapo. Sa araw ng pista ng Quiapo, literal na sumisikip ang mga daan sa palibot ng simbahan.
Mula sa Luneta ay daang libo ang nagnanais na makahawak o makahila ng tali ng karosang nagtataglay ng Nazareno. May mga naghahagis ng tuwalya na ipinupunas sa mukha ng imahen. May lumalaban sa agos ng tao makahawak lang sa karosa.
Panatisismo ba o debosyon ang dahilan ng popularidad ng pista ng Quiapo? Ano ang benepisyo ng ganitong ritwal? Nakapagpapabuti ba ito ng buhay at ugali ng mga dumadalo?
Alamin ang ugat ng debosyon at dahilan ng mga nagtutungo sa Quiapo tuwing pista ng Itim na Nazareno sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.