^

PSN Showbiz

Kita sa MMFF inaapelang huwag ibigay sa MMDA!, Retoke ni Miss International Bea Santiago tinititigan ng fans

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang nakakalokang tanong na “Sino sa inyong dalawa ang maganda?” sa dalawang child stars na ipinakikilala sa The Borrowed Wife ng GMA 7.  â€œAko! Ako! ang pasigaw na sagot ng dalawang bata at isa sa kanila ang nagsabi na “ Pangit ka kasi!”

SCENE:   Pagkatapos ng gay role niya sa My Husband’s Lover, playboy friend ang gagampanan ni Kevin Santos sa The Borrowed Wife.

SEEN: Nakabawas sa popularidad  ni Miss International  Bea Rose Santiago ang away nila ng kanyang ama.

Titig na titig kay Bea ang mga tao na nakakasalamuha at pilit na tinitingnan kung may niretoke sa kanyang mukha dahil ito ang paratang ng tatay niya.

SCENE: Ang opisyal na pagpapakilala ng ABS-CBN kay Dawn Zulueta bilang Lucia, ang ina ni Dyesebel. Si Dawn ang gaganap na ina ni Anne Curtis sa Dyesebel.

SEEN: Nagsimula na ang swimming lessons ni Anne Curtis sa Philippine Mermaid  Swimming Academy.

Excited si Anne na  makakatrabaho si Dawn Zulueta sa unang pagkakataon.

SCENE: Ang petisyon ng Film Academy of the Philippines na huwag ibigay ng theater owners sa MMDA ang kinita ng 39th Metro Manila Film Festival.  Si Leo Martinez ang director general ng FAP. 

SEEN: Taos-puso ang pasasalamat ni Rose Fostanes sa mga Pilipino at Israeli na bumoto sa kanya. Si Rose ang  first winner ng The X Factor Israel. 

SCENE:  Nag-perform si Rose Fostanes sa isang benefit concert sa Israel para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda. Contestant na si Rose ng The X Factor Israel nang idaos ng Filipino community sa Tel Aviv ang benefit show.

ANNE CURTIS

BEA ROSE SANTIAGO

BORROWED WIFE

DAWN ZULUETA

DYESEBEL

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

KEVIN SANTOS

ROSE FOSTANES

X FACTOR ISRAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with