All out ang preparasyon ngayon ni Laguna goÂvernor at actor-producer na si ER Ejercito sa nalalapit na Palarong Pambansa 2014 na gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang pinamumunuan. Ito’y nakatakdang ganapin sa Mayo 4-10 at inaasahan ang pagdagsa ng halos labing-pitong libong kabataang atleta, coaches, at opisÂyales na magmumula sa 17 regions ng Pilipinas at magko-compete sa 399 iba’t ibang athletic events sa loob ng isang linggo.
Samantala, sa kabila ng kanyang naging karanasan sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan inisnab ng mga hurado ang kanyang pelikulang Boy Golden: Shoot to Kill na dinirek ng premyadong direktor na si Chito Roño kahit ito’y nabigyan ng Graded A ng CEB (Cinema EvaÂluation Board), walang balak ang actor-politician na huminto sa pagsali sa taunang film festival tuwing Disyembre. Katunayan, meron na siyang proyekto para sa 2014 MMFF na fantasy naman ang tema, ang classic tale na Pedro Penduko.
Bianca walang alok na kontrata sa GMA, rumaket muna
Mula sa pangangalaga ni Arnold Vegafria at sumunod ang ICONS, ang aktres na si Bianca King ay nasa poder na ngayon ni Ronnie Henares ng Primeline.
Magkasamang humarap sina Bianca at Ronnie sa program contract-signing event with TV5 big bosses na sina Noel Lorenzana at Wilma Galvante last Monday (Jan. 13) afternoon sa Aracama Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Although expired na ang kontrata ni Bianca sa GMA, on a per project basis ang pinirmahan niyang kontrata sa Kapatid Network dahil onÂgoing pa umaÂno ang kanilang negotiations with GMA na may kinalaman sa kanyang bagong kontrata.
Nagpapasalamat sina Ronnie at Bianca sa pagpaÂyag ng GMA na tanggapin ni Bianca ang Obsession project na isa umanong napakagandang project para sa young actress na makakasama nito ang daÂting Kapuso actors na sina Marvin Agustin at Martin Escudero kasama ang controversial actress na si Neri Naig.
Ang Obsession ay once a week lamang mapapanood pero sa loob ng isang oras na magsisimula ngayong Enero 23 sa ganap na ika-8 ng gabi sa TV5.