Interesado ako na mapanood ang Manny, ang documentary film tungkol sa life story ni Congressman Manny Pacquiao.
Nakakaintriga ang teaser ng Manny na napanood ko dahil malinis na malinis ang cinematography at nakadagdag sa curiosity ko ang narration ng HollyÂwood actor na si Liam Neeson. Yes! Si Papa Liam lang naman ang narrator ng Manny!
Showing sa spring season ng US ang Manny pero hindi sinabi ang eksaktong buwan. Tuwing March hanggang May ang spring season sa Amerika.
Marlon Stockinger na-appreciate ang Pinoy fans
Na-appreciate ng mga tagahanga ni Marlon Stockinger ang fans day nito sa Greenbelt Park sa Makati City noong Sabado.
Si Marlon ang first Pinoy car race driÂver na nag-win sa formula race sa Europe at kasali siya sa Lotus F1 Team Juniors sa 2013 World Series. Pang-mayaman ang sport ni Marlon pero kilala siya ng mga kabataang Pinoy na humahanga sa kanya.
Kinunan ng Startalk ang fans day ni Marlon sa Greenbelt Park. Nanggaling pa mula sa malalayong lugar ang kanyang mga supporter. May nagmula sa Amerika at sa ibang panig ng mundo. May isang empleyado ng GMA 7 na dumalo sa fans day dahil sa kagustuhan niya na makita sa personal si Marlon. Heaven ang kanyang pakiramdam nang masilayan ang sikat na racer.
Naisip ni Marlon na magkaroon ng fans day bilang pasasalamat sa fans na hindi nagsasawa na suportahan siya.
Artistahin ang hitsura ni Marlon pero hindi pa ito interesado na mag-join sa showbiz dahil ang sariling career ang priority niya. Ang career na very expensive ang halaga. Kaibigan ni Marlon si Matteo Guidicelli na mahusay rin na race car driver pero mas pinili na mag-concentrate sa kanyang showbiz career.
Aktres nahanap na ang perfect nose
Nagbago na naman ang mukha ng isang aktres at kesehodang mag-deny siya, obÂvious na obvious na ipinabago niya ang ilong.
Sa totoo lang, nakabuti ang ginawa ng aktres dahil mas maganda siya ngayon. Hindi na fake tingnan ang kanyang ilong. Sa wakas, nahanap na niya ang perfect nose para sa kanyang mukha at sana ay makuntento na siya. Tigilan na ng aktres ang madalas na pag-experiment dahil sa susunod ay baka mag-deteriorate na ang mukha na puhunan niya sa showbiz.
Pagkatapos kay KC, Gov. ER si Angel naman ang target
Palaban si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sinabi nito sa presscon ng Palarong Pambansa noong Lunes na mas marami ang mga award-giving body na may kredibilidad compared sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Naisip ko tuloy si Papa Jesse Ejercito, ang uncle ni Papa ER na involved din sa 39th Metro Manila Film Festival.
Na-hurt kaya si Papa Jesse sa very sharp statement ng kanyang pamangkin o dedma lang siya dahil likas na mabait at gentleman siya?
Anyway, sinabi ni Papa ER na sasali pa rin siya sa MMFF. Ang Pedro Penduko at Maria Makiling ang next project na pinaplano niya.
Si Angel Locsin ang type ni Papa ER na gumanap na Maria Makiling sa kanyang binabalak na filmfest movie.
May possibility na si Chito Roño uli ang kunin ni Papa ER para maging direktor ng Pedro Penduko at Maria Makiling dahil pinupuri ang Shoot to Kill: Boy Golden. Si Chito ang direktor ng Boy Golden at marami ang gandang-ganda sa collaboration nila ng gobernador ng Laguna.
Naniniwala si Papa ER na magkakaroon ng mga nominasyon sa ibang award-giving bodies ang pelikula nila ni KC Concepcion at agree ako sa kanya.