Kung naging maramot ang dalawang bida ng Bride for Rent na sina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon (kung meron man), masaya namang ibinalita ng director ng pelikula na si Direk Mae Czarina Cruz na engaged to be married na siya sa taong ito sa dati niyang kaÂklase na isang diborsiyado at naka-base sa Amerika. Muling nagkrus ang landas ng dating magkaklase sa kanilang class reunion na nagkaroon ng instant spark sa kanilang pagitan.
Bench ang palayaw ng magiging mister ni Direk Mae na kasama niya noon sa presscon. Larawan ng isang woman in love si Direk Mae ng gabing `yon. Sinabi ng box-office director na ang Bride for Rent ang last movie niya bilang single dahil ang susunod niyang magiging project ay kasal na siya sa kanyang magiging mister. Hindi man personal na ipinakilala sa entertainment media ni Direk Mae ang kanyang fiancé at detalye sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib, masaya siyang ibinahagi sa mga dumalong entertainment media ang kanyang nararamdamang kaligayahan ngayon.
Si Direk Mae ang nagdirek ng isa sa mga box-office hit movie nung isang taon, ang She’s the One na pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, at Enrique Gil.
Kay Direk Mae at sa future husband niya, our best wishes and congratulations!
Diego Castro nag-propose sa TV sa matagal nang kinakasama
Sayang at ulilang lubos na si DieÂgo Castro, anak ng mga yumaong TV news anchor na sina Angelo Castro at June Keithley. Hindi na masasaksihan ng mga magulang ang pagpapakasal ni Diego sa kanyang longtime live-in partner na si Angela Lagunzad. Ang marriage proposal ni Diego kay Angela ay nangyari mismo on national television last Friday dahil pareho silang news anchors ng UNTV.
Hindi man present physically ang kanyang mga magulang, naniniwala si Diego that in spirit ay patuloy siyang sinusubaybayan ng kanyang mga magulang at masaya ang mga ito sa kanyang naging desisyon na magkaroon ng basbas ng simbahan ang kanilang pagsasama ng kanyang partner.