Bea at Zanjoe naniniguro kaya ayaw pang pakasal
Sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo rin, ayaw pa ring magpakasal. Marami pa rin daw silang gustong mangyari sa buhay nila. Mag-iipon daw muna sila.
Siguro alam nila na kapag nag-asawa na sila ay mababawasan na ang role na tinatanggap nila. Hindi na sila magiging kasing in demand. Kaya ngayon pa lamang ay samantalahin na nila. Iba na kapag may asawa na sila!
Dingdong kampante sa feelings ni Marian
Tingnan mo nga itong si Marian Rivera, hindi lamang sikat na artista sa bansang Thailand, nanalo pa ring best foreign actress doon. Biruin mo, isang Pinay best actress sa Thailand! No wonder, grinning from ear to ear ang magandang reyna ng GMA.
Si Marian yata ang handang i-give up ang kanyang pagiging single kapag nag-propose na si Dingdong Dantes.
Ewan ko ba kung bakit papetik-petik pa ang aktor. Ganun ba siya kasigurado sa girlfriend niya? Siya rin, baka maagaw pa sa kanya si Marian ng iba.
- Latest