Mukhang kung magkakasundo sina Claudine Barretto at Raymart Santiago ay hindi naman gaÂnito ang maasahan between her sister Gretchen and her parents. Balitang itutuloy ng mga magulang nila ang demanda laban kay Gretchen.
Sana, huwag na. Tutal naman baka magkaayos na sina Claudine at Raymart so bakit hindi pa ayusin ang lahat para wala na silang gulo at matahimik na sila?
Bong wini-wish na makabalik na malinis ang puso
Kung meron namang ipagtatapat si Sen. Bong Revilla, Jr. eh ’di gawin na niya ngayon para makalusot siya sa isyu na kinasasangkutan niya tungkol sa pork barrel scam. Ito rin naman ang wish ng mga kaibigan niya para makabalik siya ng malinis ang puso sa kanyang trabaho sa Senado. Wish din ng mga kaibigan niya sa press na makaahon siya sa gulo para ang lahat ay happy.
Kim mahihirapang bumangon
Si Kim Chiu rin ay mahihirapan na makabangon sa kanyang engkuwentro sa isang miyembro ng media. Payo ko lang sa mga artista na pipiliin nila ang mga isasagot nila sa presscon dahil ang mga dumadalo rito ay taga-media. Hahanap at hahanap sila ng istorya. Pipigain ka.
Madali namang mag-no comment kung hindi nila alam ang isasagot nila. At huwag nang magpaka-pikon. Mahirap malusutan ang writers kapag pinapaikot ka nila. At mahirap makabawi kapag nagkasala ka sa kanila.