Masisisi mo ba si Anne Curtis kung naging iyakin siya sa unang pagharap sa media matapos siyang mapili para gumanap ng isa sa pinaka-most loved heroine sa dagat ni Mars Ravelo? MaraÂming araw din na nagkaroon ng espekulasyon sa kung sino ang talagang gaganap ng role na Dyesebel.
Bago ang pagkakapili kay Anne ay mas lumutang ang paÂngalan ni Kim Chiu na siyang maÂpipili for the role pero ito na rin mismo ang nag-announce na hindi na siya kasali sa pilian matapos lumabas ang maraming panlalait sa kanyang physical looks. Naging matunog din ang pangalan ni KC Concepcion na lately ay nagpapamalas ng kagalingan sa pag-arte pero marami naman ang nag-akalang malaki ang bulas niya para maging isang sirena.
Ilang ulit umiyak si Anne sa presscon ng pag-aanunsiyo at pagpapakilala sa kanya bilang Dyesebel. Kararating lamang niya mula sa isang bakasyon sa Canada. Dahilan niya ay overwhelmed siya sa naging desisyon ng ABS-CBN. Maliit na bata pa lang siya ay pinangarap na niyang maging Dyesebel.
Hindi rin ipinaglihim ng magaling at magandang artista ang kanyang kagalaÂkan na kahit nagkaroon siya ng malaking isyu sa pagtatapos ng 2013 nang malasing siya’t manampal ng mga kapwa niya KaÂpamilÂya ay sa kanya pa rin ibinigay ang role na inaasam ng marami na magampanan. “Salamat at ipinagkatiwala pa rin nila sa akin ang role ni Dyesebel. SalaÂmat din sa mga hindi nawalan ng pagÂtitiwala sa akin ang maraming tao kahit napakalaking kontobersiya na kinasangkutan ko,†dagdag pa niya.
Masuwerte si Anne dahil ang mga naunang DyeÂsebel sa kanya ay isa lamang ang naging kapaÂreha pero siya ay dala-dalawa ang leading men, si GeÂrald Anderson na gaganap ng role ni Fredo, ang laÂlaÂking taga-lupa na umibig sa kanya, at si Sam Milby na gaganap ng role ng isang siyokoy.
First time nila ito ni Gerald at second time ni Sam na nung una silang magsama ay sila pa ang nagka-relasyon.
Hindi rin malaman kung magkakaroon siya ng love scenes sa dalawang aktor pero, ayon sa isang nasa likod ng Dreamscape, baka hindi magustuhan ng maraming batang tagahanga ni Dyesebel kung magkakaro’n ito ng love scenes. May March playdate ang serye ni Anne.
Bea sinuwerte rin pagbalik galing Europe
Napakasuwerte rin ni Bea Alonzo dahil pinagkatiwalaan siya ng Dreamscape ng hindi lamang isa kundi dalawang mahahalagang role sa bago nitong serye na may playdate rin sa March, ang Sana Bukas Pa ang Kahapon na siya ang gaganap ng major chaÂracter. Sa kanya iikot ang istorya.
Kararating din lang ni Bea mula sa isang baÂkasyon sa Europa kasama ang boyfriend na si ZanÂjoe Marudo kaya masayang-masaya pa siya na naÂdoble pa dahilan sa bago niyang proyekto na maÂkaÂkasama niya sina Susan Roces, Dina BonneÂvie, Albert Martinez, Iza Calzado, Paulo Avrelino, Michelle Vito, at marami pang iba. Ididirek ito ni Jerome Pobocan.
Maricar haharapin ang naglokong asawa
Mapagmahal na asawa’t ina na niloko ng kanyang mister ang bibigyang buhay ng award-winning actress na si Maricar Reyes sa family drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.
Kasama rin sa episode na idinirek ni Garry Fernando sina Encar Benedicto, Jennifer Mendoza, Jenny Miller, Eunice Lagusad, Gem Ramos, Katya Santos, at Miguel Vergara.