Hindi marahil ang kagustuhan ng kinabibilangan niyang network na palabasin na may relasyon sila ni Xian Lim ang dahilan kung bakit lately ay nagiging pikon si Kim Chiu kapag nababanggit ang kanyang love life. Marami ang naniniwala na nagiging sensitibo lamang siya sa topic kapag nababanggit ang kanyang past love na si Gerald Anderson na tulad sa naganap nung presscon ng Bride for Rent na tinarayan niya ang isang press na nagtanong sa real score sa pagitan nila ni Xian.
Sa tingin ng karamihan ay hindi sinadya ng aktres na maging taklesa. Hindi lamang niya nagawang piliin ang kanyang mga sasabihin dahil hindi siya tulad ni Xian na fluent na fluent mag- Ingles. Nangapa pa siya ng sasabihin niya.
Heart hindi pa tanggap ang pagmi-misis kay chiz
Ano ba naman si Heart Evangelista, may suut-suot na engagement ring pero nagdi-deny pa rin na engaged na?! Hindi naman niya dating suot ang singsing, ngayon lamang, at bakit niya ito isusuot kung ayaw niyang magbigay ng impresyon na nalalapit na ang kasal niya?
’Buti na lang at mapagpasensiya sa mga deklarasyon niya si Sen. Chiz Escudero. Para kasing pinalalabas niya na masaya na siya na maging girlfriend nito pero hindi ang maging asawa?
UH at UKG nag-uunahan sa kainan
Bukod sa pagbabalita, parang nagkakaroon ng paligsahan sa pagluluto ang mga news program ng GMA at ABS-CBN tuwing umaga na Unang HiÂrit at Umagang Kay Ganda. Kung hindi sila mismo ang nagluluto ay may mga bisita silang chef.
Nakatutuwa lang silang panoorin na kumakain at nag-uunahang kumain.
Mga sumali sa prusisyon hindi na natutong magtapon ng basura
Tapos na ang Feast of the Black Nazarene. TamÂbak na basura ang pagbubuÂhuÂsan ng panahon ng MeÂtropolitan Manila DeÂvelopment AuthoÂrity (MMDA).
Malaking trabaho ito na sana ay maiiwasan kung talagang sa atin na mismo manggagaling ang pag-iwas na magkalat.
Puwede naman ito pero bakit hindi natin magaÂwa? Kung saan-saan lang natin iniitsa ang mga bote ng ating inumin, pinagbalutan ng pagkain, at kung anu-ano pa.
At bakit ba ang tamad-tamad ninyong maghanap ng basurahan na mapagtatapunan ng inyong mga kalat? Kailan ba tayo magiging responsableng mamamayan?