Pakpak ni Kylie fake na fake; Gerald kinakawawa ng detractors sa pagkakasama sa Dyesebel
SEEN: Biktima uli si Gerald Anderson ng kanyang detractors na hindi matanggap na kasali siya sa cast ng Dyesebel.
Nagsasayang ng pagod ang detractors ni Gerald dahil siguradung-sigurado na ang participation niya sa Dyesebel.
SCENE: Si Don Cuaresma ang direktor ng Dyesebel ng ABS-CBN. Overwhelmed si Don sa powerhouse cast ng kanyang biggest television project.
SEEN: Ang Sana Bukas Pa ang Kahapon ang next project ni Paulo Avelino sa ABS-CBN, kahit hindi pa natatapos ang Honesto.
SCENE: Dumalo si Congressman Manny Pacquiao sa traditional New Year’s Vin d’honneur na ginanap sa Malacañang Palace noong Huwebes.
Imbitado ni P-Noy sa Vin d’honneur ang mga miyembro ng Diplomatic Corps, Cabinet members, at matataas na government officials ng bansa..
SEEN: Fake na fake ang mga flying scene at pakpak nina Jean Garcia at Kylie Padilla.
Puwede pa na ma-improve ang special effects ng Adarna.
SCENE: Ang Third Eye ang opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. ngayong January. Sina Carla Abellana, Ejay Falcon, Camille Prats, at Denise Laurel ang mga bida sa Third Eye.
Seen : Inaasahan ang pagdalo ni former Senator Ramon Revilla, Sr. sa privilege speech ng kanyang anak na si Senator Bong Revilla, Jr. sa senado sa January 20,2014.
Scene : “ Oo†ang nagpakatotoo na sagot ni Anne Curtis nang tanungin ito sa presscon ng Dysebel kung umiinom (ng alak) pa rin siya.
Seen : Sumali uli sa Bb. Pilipinas 2014 si Pia Wurtzbach aka Pia Romero, ang Starmagic talent na 1st runner up sa Bb. Pilipinas 2013.
Nag-submit din ng application sa Bb. Pilipinas 2014 ang ibang thank you girls ng Bb. Pilipinas 2013.
- Latest