Lian at Paolo magkaibigan na nang magkaroon ng kanya-kanyang dyowa
Maganda umano ang relasyon ngayon ng daÂting mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz dahil naÂibalik nila ang kanilang pagiging magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak. May bagong kaÂreÂlasyon na si Paolo at gano’n din naman si Lian. Natutuwa si Lian kanyang non-showbiz boyfriend dahil malapit daw ito sa dalawa nilang anak ni Paolo.
Given the chance, gusto ni Lian na sana’y tuluy-tuloy na ang kanyang acÂting career na kanyang sinimulan sa Prinsesa ng Buhay Ko.
Direk Mae na-in love at magpapakasal na sa kaklase sa high school
We’re happy for box-office director Mae Czarina Cruz na siyang director ng upcoming movie ng Star Cinema na Bride for Rent na isa siya sa mga ikakasal sa taong ito. Ang masayang balitang ito ay ibinahagi ng lady director sa presscon ng pelikula na ginanap sa Dolphy TheaÂter ng ABS-CBN. Naroon din sa loob ng theater ang kanÂyang groom to be pero dahil non-showbiz ito at maÂhiyain umano ay nai-acknowledge na lamang siya ni Direk Mae sa pangalang Bench.
Ang future husband ni Direk Mae ay kaklase niya nung high school at muling nagkrus ang kanilang landas sa kanilang school reunion. Isang diborsiyado at naka-base sa Amerika ang mapapangasawa ni Direk Mae.
Hindi rin nagbigay ng details (date at kung saan gaÂganapin) ang lady director tungkol sa kanilang kasal pero kitang-kita sa kanya ang pagiging in love. Sinabi ni Direk Mae na ang Bride for Rent ay last movie niya bale na siya’y single.
Kung si Direk Mae ay excited sa pagkukuwento tungkol sa kanyang pagiging in love at nalalapit na kasal, naging maramot naman ang dalawang bida ng Bride for Rent na sina Kim Chiu at Xian Lim sa pagbabahagi kung saang level na ang kanilang relasyon sa ginanap sa presscon last Tuesday evening.
Speaking of Direk Mae, siya rin ang director ng hit movie na She’s the One, one of the top movies ng Star Cinema nung nakaraang taon. Ito’y pinagbidahan nina DingÂdong Dantes, Enrique Gil, at Bea Alonzo.
Kris hinihintay na ng OctoArts big boss para pasalamatan
Nakausap namin nung isang gabi ang aking former boss at big boss ng OctoArts Films na si Orly Ilacad who remained a good friend kahit matagal na akong hindi konektado sa kanyang kumpanya. Ang OctoArts Films ang isa sa apat na producers ng box-office hit movie ng December filmfest na My Little Bossings na pinagbidahan nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at Bimby Aquino Yap.
Co-producer din ng nasabing pelikula sina Vic (M-Zet Productions) at Kris (Kris Aquino Productions) kasama ang APT Entertainment ni Tony Tuviera na siya ring big boss ng TAPE, Inc. na producer naman ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Ipinahayag ni Boss Orly ang kanyang pasasalamat sa suporta ng mga manonood sa My Little Bossings na siyang sumira sa box-office records nang ito’y makapagtala ng P50.4M sa first day pa lamang ng showing ng pelikula last Dec. 25.
Hinihintay lamang nila ang pagbabalik ni Kris na nagbakasyon sa London, England kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby at sila’y magbibigay ng thanksgiving party sa entertainment media na malaki ang naging bahagi sa tagumpay ng kanilang pelikula.
- Latest