Kim Chiu kulang sa pagrespeto, kabastusan ng ugali hindi na naitago
Honestly, hindi ako mapagpatol na tao pero sa pagkakataong ito ay kailaÂngan ko lamang mailabas ang aking saloobin na may kinalaman sa naganap na presscon ng Bride for Rent, ang second movie team-up nina Kim Chiu at Xian Lim na dinirek ni Mae Cruz under Star Cinema at siyang magiging pang-buena mano ng premier movie company sa taong ito.
Sa tuwing natutuka kami sa pagtatanong, I make it a point na tinatanong ko ang lahat dahil majority ng mga tanong ay naka-focus lamang sa mga bida ng pelikula at nababale-wala ang ibang members of the cast.
Sa presscon ng Bride for Rent na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Tuesday evening ay ganundin ang aking ginawa. Tinanong namin isa-isa sina Matt Evans, Dennis Padilla, Empoy Marquez, Martin del Rosario, at ang director ng pelikula na si Mae Cruz.
Huli naming tinanong ang mga bida ng pelikula na sina Kim at Xian na may kinalaman sa tunay na istado ng kanilang relasyon dahil ito ang gustong malaman ng kanilang mga adoring fans and the public in general.
Since sina Kim at Xian ang bida ng pelikula, hindi naman siguro asiwa ang tanungin sila na may kinalaman sa kanilang dalawa at kung nasaang level na ang kanilang relasyon.
Napaka-strong ng sagot ni Kim na “I don’t owe you an explanation pagdaÂting sa aming private lives.â€
Puwede naman niyang hindi sagutin ng diretsahan, o ‘di kaya pinakiusapan kaming ibalato na lamang sa kanila ni Xian kung anuman meron sila na hindi siya kailangang maging sarcastic at offensive. Ang pakiramdam namin ng gabing `yon ay hindi lamang kami ang na-offend ni Kim sa kanyang sagot kundi ang lahat ng mga entertainment media na dumalo sa presscon ng pelikula nila ni Xian. Has success gotten into the head of Kim? Huwag naman sana.
Although tama si Kim sa kanyang sinabinang she doesn’t owe me an explanation, she owes to the public and her fans kung nasaan man siya ngayon. The people voted for her nang siya’y pumasok sa PiÂnoy Big Brother (Teen Edition) in April 2006 kaya siya tinanghal na Big Winner. Since PPB is a reality show, walang natago sa publiko sa lahat ng mga housemates ng Bahay ni Kuya including Kim.
Kim should know that she is now a public fiÂgure. Para siyang isda na nasa loob ng aquarium na kitang-kita ang bawat galaw.
Her private life, her family, her love life and her career ay sinusubaybayan ng kanyang mga tagaÂhanga at publiko. When she’s sad, nalulungkot din ang kanyang mga tagahanga para sa kanya and when she’s happy, masaya din sila para sa kanya.
Trabaho ng mga reporter or entertainment press ang maghatid ng balita sa publiko tungkol sa kaganapan sa buhay at activities ng mga showbiz personalities kaya nga sila nagpe-presscon.’Kung wala ang media, paano maipapaabot sa publiko ang laÂtest happenings tungkol sa kanila?
Sa loob ng halos apat na dekada namin sa showÂbiz, never pa kaming naging offensive sa aÂming mga katanungan na ang hangad lamang naman namin ay nakakuha kami ng impormasyon na gusto ring malaman ng publiko.
Ano ang masama kung aamin siya na sila na ni Xian? O kung hindi man, may ibang paraan ang pagsagot na hindi niya kailangang magtaray. Since hawak ko pa ang mikropono, gustung-gusto ko na sana siyang barahin pero nanaig ang paggalang ko sa okasyon at sa mga taong nag-imbita sa akin at ganundin sa ibang taong dumalo na wala namang kinalaman sa kanyang ipinakitang kagaspangan.
Kailangang turuan si Kim kung paano magÂpaÂkumÂbaba at gumalang. Dapat din niyang malaman na ang kanyang kasikatan ngayon ay hindi panghabang-buhay.
Kung hindi niya gusto na natatanong siya tungkol sa kanyang love life o personal na buhay, huwag na lamang siyang humarap sa media para hindi siya napipikon even on simple questions thrown at her.
Wala rin namang inamin si Xian tungkol sa kaÂnilang dalawa pero magalang at malumanay siyang sumagot na amin pang pinasalamatan.
Sabagay, what do we expect from Kim? Kung noon ngang sila pa ni Gerald Anderson ay wala siyang inamin, how much more sa kanila ni Xian. Nalalaman na lamang ng publiko ang real score betÂween them kapag sila’y break na na hindi rin malaÂyong mangyari sa kanila ni Xian.
Malapit nang lumangoy si Kim, huwag sana siyang malunod sa tagumpay.
- Latest