Sarah nasolo na ang dating endorsement nila ni Anne?!

Mama Salve, puwedeng pakitanong sa Viva Group of Companies kung bakit missing ang picture ni Anne Curtis sa isang endorsement nito?

Mas mabuti nang manggaling ang explanation mula sa mga tao na nakakaalam sa the truth and nothing but.

Nakita ko kasi ang billboard ng isang big endorsement nina Sarah Geronimo at Anne pero wala na ang picture nito. Ang litrato na lang ng aking favorite singer-actress ang na-sight ko.

Ayokong maniwala sa  mga sabi-sabi na solo endorser na lang si Sarah dahil sa controversy na kinasangkutan noon ni Anne.

Mainam na tanungin muna ang mga tao na namamahala sa career ni Anne para malaman natin ang tumpak na kasagutan. (Not true raw po. Wala raw pong isyu sa mga endorsement ni Anne sabi ni Tita June Torrejon. – SVA)

‘Huwag paiiralin ang pagiging pasaway sa prusisyon’

Ngayon ang Pista ng Black Nazarene sa Quiapo kaya uulitin ko ang reminders ko kahapon na huwag nang sumama sa prusisyon ang mga buntis, lasing, matatanda, mga bata, mga may sakit, at  kapansanan para maiwasan nila ang masaktan.

Huwag pairalin ang pagiging pasaway. Hindi nagkulang sa pagbibigay ng babala ang mga pulis at ang mga opisyal ng Maynila.

Nakatutok ang lahat ng mga TV network sa  prusisyon ng Black Nazarene  dahil ihahatid ng kanilang mga reporter ang mga kaganapan.

Ali Sotto balik-radyo

Welcome back kay Ali Sotto na magbabalik sa mundo ng radyo, simula sa darating na Lunes. Ikinatuwa ng followers ni Ali ang kumpirmasyon na magiging co-anchor siya nina Mike Enriquez at Arnold Clavio sa morning radio show ng  dalawa sa dzBB.

Hindi pa kami nagkakausap ni Papa Arnold kaya hindi ko alam ang magiging kapalaran ni Lala Roque, ang co-anchor niya sa dzBB.

Marami ang naka-miss kay Ali nang mag-babu ito sa dzBB dahil nadestino sa ibang bansa ang kanyang mister na si Omar Bsaies.

Masarap pakinggan si Ali sa radyo dahil palagi siyang masigla at nakakaaliw ang batuhan nila ni Papa Arnold ng mga linya.

May karapatan si Ali na magbalik sa radyo dahil sa kanyang mga matatalino na opinyon at updated na updated siya sa current events.

New York hinahagupit ng snow storm

Nakausap ko sa telepono ang aking manugang na si Van Castor na nagkuwento tungkol sa napakalamig na climate sa New York.

Para magkaroon ako ng idea kung gaano katindi ang lamig sa kanilang lugar, sinabi ni Van na bago pa bumagsak sa lupa ang tubig na inihagis niya, nagiging yelo agad.

Sa tagal ng paninirahan niya sa New York, ngayon lamang nakaranas ang aking manugang ng matinding lamig at ganito rin ang nararanasan ng mga Filipino celebrity na New York-based gaya nina Dindi Gallardo at Samantha Lopez.

Hindi ko pinangarap na ma-experience ang snow storm sa New York. Mahina ang katawan ko sa lamig kaya iniiwasan ko na pumunta sa Amerika tuwing winter time.

Magazine na pinagkaabalahan ng magkakapatid na Gutierrez, ipinagbibili na

Available na sa magazine stores ang January 2014 issue ng Hola magazine na ipino-promote ng magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez dahil sila ang nasa cover.

Nag-pictorial ang magkakapatid sa bahay nila sa Dasmarinas Village, Makati City noong December 2013 isang araw bago lumipad sa US sina Richard at Sarah Lahbati.

Si Raymond ang nag-remind sa publiko na out na sa magazine stores ang Hola. Si Raymond na busy sa pag-aasikaso sa kanyang coffee shop sa 71 Gramercy. Hindi ko pa nakakalimutan ang pangako ni Raymond na iimbitahan niya ako sa kanyang sosyal na coffee shop.

Kaligayahan ng tatay ni Donaire hindi maipaliwanag

Hindi maipaliwanag ang kaligayahan ni Nonito Donaire, Sr. dahil sa touching message ng kanyang anak na si Nonito Jr. nang magdiwang siya ng kaarawan noong January 6.

Nagbukas ng sariling gym sa U.S. ang ama ni Nonito Jr. at touched na touched ito sa message ng anak na “I want to say Happy Birthday to Papang. I know we’ve been through our ups and downs but that’s the same as other families and life. I want to take this time to say I appreciate everything you have done for me and thank you for opening up your heart to the family I have built. I hope 2014 brings your more happiness especially your OWN gym!”

Parang kailan lang nang itakwil with matching sumpa ni Nonito Sr. ang kanyang Jr. Ang ending, nagkasundo rin ang mag-ama at ang mga kamag-anak at kaibigan na may kinampihan ang nagmukhang tanga at naitsa-pwera.

Moral of the story. Huwag makialam sa away ng pamilya, ng mag-ama, mag-ina, magkakapatid, at mag-asawa dahil darating ang araw na magkakabati sila. Dapat tandaan na blood is thicker than water.

Show comments