Queen of all media hindi lalayasan ang Kapamilya!

MANILA, Philippines - Natuldukan na ang mga usap-usapan ng pag­lipat ni Kris Aquino. Hindi siya mag-oober da bakod sa GMA man o TV5 dahil Kapamilya pa rin siya!

Nakalito man ang mga post niya sa Instagram, na para bang may sign na lilipat nga siya, ay kinumpirma naman niya kagabi ang final decision.

“I have been with ABSCBN for 18 years & like any other family we’ve had our ups & downs and sometimes unavoidable ‘tampuhan’ - but we remain FAMILY,” bahagi ng post ni Kris.

Ang kanyang manager daw na si Deo Endrinal ang nakipag-usap sa mga boss ng ABS-CBN nung Kapaskuhan at never siyang nakipag-meeting sa mga GMA official. Pero kinumpirma niyang dalawang beses niyang nakausap si Manny V. Pangilinan.

“It is w/ much joy that I share w/you that we have RENEWED my ABSCBN contract. I am grateful to my ABSCBN bosses, Sir Gabby, Ma’am Charo, and tita Cory for the trust, value & importance they have given me,” dagdag na post ni Kris sa kanyang Instagram account na nasa picture rito.

 Naloka na ang mga tsismosa. Eh paano naman kasi nauna ang mga nakapaligid kay Kris na magsabi ng kanyang paglipat kuno. Ilang araw nang may kumakalat mula sa kanyang kampo. ‘Yun pala ay loyal si Kris sa Kapamilya.

Pero isa lang ang napatunayan ni Kris dito, ke­ring-keri niya, na hindi niya siguro sinasadya, na pasundin sa kanyang mga ginagawa ang mga tao na nanood din ng pelikula nilang My Little Bossings. Inaabangan kasi ang mga update niya sa Instagram habang nasa London, England pa sila ng kanyang mga anak.

Mga nagmamasid sa MMFF hinihintay kung mapupunta sa tama ang mga kinita

Ay tinanggal na pala sa ibang mga sinehan ang Kimmy Dora at Shoot To Kill : Boy Golden.

Nung Sabado ng gabi ay wala na ito sa mga sinehan sa isang malaking mall.

Ang top 3 na My Little Bossings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Pagpag at 10,000 Hours na lang ang mga sineng palabas sa nasabing mall.

Ngayong araw pa lang officially matatapos ang 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) na balitang naka-more than P900 million na ang kita as of yesterday ng anim na pelikulang ka­sali. Madaling na­wala sa mga sinehan ang dalawa kaya anim na lang ang natirang tumabo ng pera.

Malaki ang kinita kaya nage-expect ang mga nagmamasid na mapupunta ito sa tamang beneficiaries.

Walang tax ang mga kasali sa MMFF. Kaya kahit Graded A or B ang pelikula ng Cinema Evaluation Board (CEB), magagamit lang ang tax rebate pagkatapos ng January 7 showing. 

                                             

Show comments