Isa kami sa natutuwa sa celebrities na marunong mag-invest sa perang kanilang kinikita. Alam din naman kasi nila na hindi forever ang kanilang kasikatan at darating din ang araw na magiging madalang na ang kanilang projects at hindi na ganoon kalaki ang kanilang kikitain.
Ang isang sikat na celebrity na pumasok na rin sa larangan ng negosyo ay ang young star na si Kim Chiu. She partnered with known fashion designers Pepsi Herrera and Edwin Tan along with businesswoman Arlyn Timog sa Adorata Weddings Plus na matatagpuan ang mga ready-to-wear wedding gowns at suits. Ito’y binuksan sa publiko last Dec. 12 at matatagpuan sa may P. Tuazon St., Cubao, Quezon City.
Kahit bata pa si Kim, pinasok na rin niya ang pag-i-invest sa isang negosyo na puwede niyang sandalan balang araw.
Ang isa sa pinaka-successful businessman of his generation ay ang actor turned restaurateur na si Marvin Agustin. Isa ring matagumpay na restaurateur ay ang award-winning actor na si Joel Torre.
Pinasok na rin ng actor na si Boy2 Quizon ang pagiging isang movie producer. Co-producer bale si Boy 2 sa award-winning movie ni Robin Padilla na 10,000 Hours na dinirek ni Joyce Bernal.
Ang isa pang pinaka-successful businesswoman ay ang Megastar na si Sharon Cuneta. Anytime na naisipang tumigil ni Sharon sa kanyang showbiz career ay patuloy siyang mabubuhay nang mariwasa dahil sa kanyang mga negosyo sa tulong na rin ng kanyang asawang si dating Sen. Kiko PaÂngilinan.
Denise kasama na sa listahan ng mga ikakasal
Malamang na mapasama sa listahan ng mga ikakasal sa taong ito ang KapamilÂya singer-actress na si Denise Laurel na engaged na sa kanyang basketball player boyfriend na si Solomon “Sol†Mercado na nag-propose ng marriage sa aktres last October.
Si Denise ay may two-year-old son, si Alejandro, sa kanyang dating karelasyon na isang ItaÂlian-American.
Sa kabila na hindi si Sol ang ama ni Alejandro, daig pa nito ang pagiging sariling ama ng bata kaya tuwang-tuwa si Denise.