Aktres hindi affected kahit inaakusahang maluhong ex!

Parang unfair sa isang aktres ang lumutang na isyu na kaya siya hiniwala­yan ng ex-boyfriend ay dahil maluho siya. Nang hindi na raw kayang i-maintain ng lalaki si aktres, kinausap ang aktres at sinabi ang kanyang rason at saka nakipaghiwalay na in fairness, mutual decision nila.

Kaya namin sinabing unfair sa aktres ang isyung ito dahil between her and her ex, mas malaki ang kinikita niya at kahit walang BF, kayang mamuhay ng mariwasa. Kaya nga nitong buhayin pati mga pinsan at ibang kamag-anak sa talent fee niya sa showbiz at kinikita ng mga negosyo.

Ang lalong hindi maganda, parang galing sa kampo ng lalaki ang tsikang maluho ang aktres kaya hiniwalayan ng ex. Mabuti na lang at kahit nakakara­ting sa aktres, hindi na niya pinapansin. Lumalabas tuloy na mas mabilis siyang naka-move on sa break-up nila kesa sa ex.

Tatlong malaking concert naka-line up para sa survivors ng Yolanda

Three big concerts ang magkasunod na magaganap this January, kung saan ang proceeds ay mapupunta sa rehabilitation ng survivors ng bagyong Yolanda. Sa Newport Performing Arts sa Resorts World gagawin ang two concerts at ang isa ay sa SM MOA Arena.

Una ang The Voices For Visayas Benefit Concert sa January 15 at ang isa ang nasa likod nito’y si Nanette Medved-Po. Over 100 artists ang expected to perform kasama sina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Kuh Le­desma. Kasama rin sina Mitch Valdez, Karylle, Au­die Gemora, Isay Alvarez, Robert Seña, Leo Valdez at marami pang iba.

Sinulat ni director Joey Reyes ang kantang Just Believe at nilapatan ng musika ni Ryan Cayabyab. Sama-samang kakantahin ng artists ang song sa finale ng concert.

Ang isa pang big concert ay ang Do You Hear the People Sing? na magpi-feature sa music ng Les Miserables, Miss Saigon, Martin Guerre, The Pirate Queen at La Revolution Francaise. Naka-schedule ito sa January 29 and 30 at walang talent fee ang performers.

Dadalhin sa Manila sa pangunguna ni Lea Salonga na parehong lumabas sa Miss Saigon at Les Miserables. International artists ang ibang makakasama ni Lea.

May panawagan si Lea sa Facebook sa mga nag-perform sa nabanggit na productions na nasa Manila sa time ng concert na sumali sa Do You Hear the People Sing?  Ibiibgay sa Habitat for Humanity ang kikitain sa concert.

Ang third concert ay ang Heal Our Land sa Jan. 31, sa MOA Arena na pangungunahan ni David Benoit. Makakasama niya sina Kevyn Lettau, David Pack na dating lead vocals ng Ambrosia Band at Jonathan Butler.

Hindi lang pang-jazz fans ang Heal Our Land dahil magpi-perform din ang Side A, True Faith, South Border, Mulatto, si Chad Borja at marami pang iba. Si Bert de Leon ang director. Proceeds will go to Gawad Kalinga and Sagip Kapamilya of ABS-CBN.

Ayan, marami kayong panonooring concert at makakatulong pa kayo at dahil hindi sabay-sabay ang concert, kung keri ng budget ninyo, panoorin niyo pare-pareho.

GMA kumuha ng psychologist para kay Jennylyn

Kumuha ng psychologist na consultant ang GMA 7 para tumulong sa production ng Rhodora X  para walang problema at reklamo ang viewers sa story nito na tungkol sa Multiple Personality Disorder.  Sa teaser, ipinapakita na ang pagkakaroon ng split personality ng karakter ni Jennylyn Mercado.

Makikita ring parehong may markang X sina Jennylyn at Yasmien Kurdi, ang una’y sa dibdid at ang huli’y sa noo. Tila pag-aagawan nila si Mark Herras dito.

Samantala, may album ding gagawin si Jennylyn under GMA Records na isasabay sa birthday niya sa May 15 ang release ng album na ang concept ay heartbreak at break-up para maka-relate raw siya. Puro original ang songs na sinulat ni Vehnee Saturno at may composition din ang best friend niya na isasama sa album.

Bianca King matatagalan pa bago magkatrabaho sa GMA

Nanibago ang nakakita na pino-promote ni Bianca King ang soap niya sa TV5 na Obsession dahil nasa­nay tayo na sa GMA 7 siya napapanood. Sa January 23 na ang pilot ng soap, kung saan, kasama ng aktres sina Martin Escudero, Neri Naig at Marvin Agustin sa direction ni Jay Altarejos.

Naipaliwanag na ni Bianca dati na nagpaalam siya sa Ch. 7 na gagawin mu­na ang offer ng TV5 at pinayagan naman siya. Kaya sa second quarter na ng 2014 siya mabibigyan ng soap ng Kapuso, tatapusin muna niya ang series niya sa TV5.

 

Show comments