May nagpakita sa amin ng Christmas card ng Aquino Family at ang una naming napansin ay kakaiba ito dahil pahaba at maraming pictures. Ang main picture ay ang pagsama-sama ng buong Aquino family sa pangunguna ni President Noynoy Aquino at ang kanilang Christmas greetings.
Sa likod ng Christmas card, may picture si President Noynoy with Kris and her two sons at may hiwalay na Christmas message from Kris.
Ang nakatawag sa aming pansin, may mga picture rin ng non-Aquino faÂmily gaya nina Vic Sotto, AiAi delas Alas, Mr. Freddie Garcia. Ang litrato ni Vic ay poster ng My Little Bossings at ‘yung kina AiAi at Mr. Garcia ay kuha sa Pilipinas Got Talent.
Pinaka-winner sa non-Aquino na kasama sa Christmas card ay si Ryzza Mae Dizon at sa bilang namin, may eight pictures sa card si Ryzza. Ang iba’y publicity photos ng My Little Bossings, mayroong kuha sa pictorial, sa shooting, at mayroong kuha sa TV shoot ng Mister Donut na ini-endorse nina Ryzza at Bimby Yap, Jr.
Isa pang ikinaganda ng Christmas card, puno ito ng pictures nina Kris at mga anak na sina Joshua at Bimby. Kuha sa bakasyon, sa event ng mga anak, at marami pang iba at ang tinutumbok ay ang bonding nilang tatlo.
Maganda ang Christmas card, pang-collection, lalo na ng fans ni Kris at mga anak na sina Joshua at Bimby.
Speaking of Kris, sa Thursday na, Jan. 9, ang balik nila from London at inaabangan na ang sagot niya sa isyung iiwan niya ang ABS-CBN para lumipat sa ibang network. Ang daming nagko-comment sa Instagram nito at majority ay ayaw siyang lumipat at manatiling Kapamilya.
Masaya rin itong babalik ng bansa dahil number one pa rin ang My Little Bossings at ang tantiya ng mga may alam sa takbo ng box-office, after the weekend, baka umabot ang gross nito ng P360M.
Anyway, habang nasa London, panay ang panonood nina Kris at mga anak ng musical at sa nakita namin sa IG, napanood na nila ang Matilda, Charlie and the Chocolate Factory, The Mousetrap, at Billy Elliot. Ang huli ang pinakagusto ni Kris at sabi nito, “it was superb†and “was THE BEST.â€
Sarah Lahbati tsinugI sa sinamahang pelikula
Sa Feb. 12 na pala ang playdate ng Basement, ang super-thriller movie ng GMA Films at hindi sa March gaya nang balita. Pinapalabas na sa GMA 7 ang maiksing teaser ng movie sa direction ni Topel Lee pero wala pang ipinapakitang cast.
Kabilang sa cast ng movie sina Aljur Abrenica, Chynna Ortaleza, KrisÂtoffer Martin, Louise delos Reyes, Enzo Pineda, at Ms. Pilita Corrales. Ang alam namin, kasama sa cast si Sarah Lahbati pero hindi siya binanggit. Ano ’yun, nag-reshoot at inalis ang mga eksena niya?
Nabanggit ni Enzo dati na hindi sila magkapareha ng GF niyang si Louise at iba ang katambal nila. Nagbigay din ito ng clue sa tema ng pelikula na tungkol sa baha at sa aswang. Bahala na kayong mag-imagine!
Aktor nangliligwak ng manager
Wala na rin pala sa manager na tumulong sa kanya mula nang manalo sa reality program ang aktor na kilala sa magandang katawan at perfect abs. Mukhang maganda ang paghihiwalay nila ng maÂnager dahil, up to now, wala pa kaming naririnig na negative comments sa pag-iiba ng manager.
Yes, may bago ng manager ang aktor at siguradong matutulungan siya ng bagong manager na matupad o makuha ang gusto bilang artista dahil masipag maghanap ng trabaho for his talents ang manager.
May tsika lang na bago ang manager niya ngaÂyon, may ibang kinausap na talent manager ang aktor para siyang mag-represent sa kanya. Ano kaya ang nangyari sa usapan nila ng talent manager at hindi siya natuloy sa management nito?