Kris hinihintay magpaliwanag ng fans ni AiAi
Sana hindi maapektuhan sina AiAi delas Alas at Kris Aquino sa napaka-obvious na panggagatong na ginagawa sa kanila dahil text lamang ang naging partisipasyon ng presidential sister sa pagpanaw ng ina ng komedyante. Bakit daw walang bulaklak?
Eh baka hindi naman si Kris ang tipong nagpapakita ng pakikiramay sa pamamagitan ng bulaklak. Hintayin na lang nila ang pag-uwi ng Queen of All Media para marinig ang kanyang paliwanag. Pero ang mahihirapan si Kris ay ang maipaliwanag kung bakit wala ring pakikiramay ang kapatid niyang si P-Noy sa kanyang kaibigan. Bakit nga kaya?
Vice Ganda baklang-bakla ang ibinugang acting
Ano pa ba namang pag-arte ang inaasahan ng manonood na makita kay Vice Ganda sa kanyang filmfest entry? Baklang-bakla raw ang acting nito sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Pero nag-effort naman siyang maging boy kaya lang lumabas siyang mas tomboy pa sa character niyang tomboy. Magiging katawa-tawa kaya ang pelikula kung pinangatawanan niyang maging tunay na girl?
Ang dami-dami n’yo namang reklamo! And yet kumikita ang pelikula. Kung sineryoso ito ni Wenn Deramas ay baka hindi ito pinilahan sa takilya. What the audience expected from Vice ay nakita naman nila. Baklang-bakla ito sa mga ginampanan niyang mga character pero, sigurado ako, sinadya ’yun ng direktor!
Eugene good sport sa napatunayan
Kung si Eugene Domingo ay wala ni katiting mang reklamo sa naging pagkatalo niya ng best actress kay Maricel Soriano, ’yung mga supporter niya ang walang tigil sa karereklamo. Hindi na sila nasanay na tuwing makakatapos ang isang awards night ay palaging may mga reklamong kasunod. At palaging nagmumula ito sa mga may kandidatong natalo.
’Buti na lang at good sport si Eugene. Alam kung saan siya nakatayo at tanggap na ang sistema na umiiral sa mga bigayan ng awards.
Hindi naman mahalaga kung natalo man si Uge. Ang importante ay napatunayan na niya ang galing niya at alam na ito ng lahat. Even without a trophy na sagisag ng kagalingan ng isang artista sa pag-arte, best actress na si Uge.
Kim, choice ng kataas-taasan
Tanggapin pa kaya ni Kim Chiu ang role na Dyesebel kung ganyang wala pang kumpirmasyon mula sa Kapamilya Network na siya na nga ang bagong Dyesebel ay katakut-takot na pang-ookray na ang tinatanggap niya? I’m sure ’yung mga nanlalait ay may mga bet din para maging Dyesebel.
Tumigil na nga kayo! Masyado kayong transparent. May magagawa ba kayo kung si Kim ang napili ng ABS-CBN para maging bagong Dyesebel?
- Latest