SEEN: Marunong umarte si Arjo Atayde pero hindi bagay sa kanya ang gay role sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado dahil lumalabas ang pagiging tunay na lalaki niya.
SCENE: Mahusay nang mag-assemble ng baril si Ali Padilla, ang bunso at menor de edad na anak ni Robin Padilla.
Magalang na bata si Ali dahil nagmamano siya sa mga nakatatanda sa kanya.
SEEN: Si Ariella Arida ang beauty queen na diumano’y nagulat sa resulta ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards. Pinasalamatan ni Ariella si Atty. Francis Tolentino dahil naging bahagi siya ng 39th MMFF.
SCENE: Kamukha na ni Keana Reeves ang starlet na si Jana Dominguez na madalas na late sa tapings ng Pepito Manaloto ng GMA 7.
SEEN: Patuloy ang online auditions para sa regular at teen edition ng Pinoy Big Brother Season 5 ng ABS-CBN.
Bukas ang auditions para sa mga Pilipino na naninirahan sa ibang bansa.
SCENE: Ngayon ang 48th birthday ni Sharon Cuneta na maraming beses nang nag-quit sa Twitter ngunit palaging bumabalik.
SEEN: Ipagpapatuloy ni Korina Sanchez ang kanyang graduate studies kaya hindi muna siya mapapakinggan sa kanyang morning radio progÂram sa dzMM.
SCENE: Isang comÂÂputer shop sa ManÂdaluyong City ang negosyo ng nanay ni Ryzza Mae Dizon na mina-manage ng fan ng kanyang anak. Dapat maging maingat ang nanay ni Ryzza sa kanyang mga investment.