Sarah niluwagan nang parents, puwede nang ma-in love ng todo

Naging maluwag na raw sina Mommy Divine at Daddy Delfin Geronimo sa kanilang anak na si Sarah Gero­nimo pagdating sa pag-ibig.

“Mas masasabi ko ngayon na mas understanding na sila kung ano ang pinagdadaanan ko, na normal lang minsan nai-in love ka, minsan masasaktan ka. ’Yung masaktan ka is part of loving someone,” bungad ni Sarah.

Kanino kaya sa kanyang parents mas nag-o-open up ang singer pagdating sa love life?

“Ako naman kahit hindi ako magsalita, mukha ko pa lang, facial expression ko pa lang, alam na nila. So, pareho sila. Wala na rin akong choice kundi mag-open up sa kanila,” natatawang sagot ng dalaga.

Dalawang beses na raw naranasan ni Sarah ang umibig at may mga bagay na rin siyang natutunan dahil dito.

“’Yung natutunan ko sa una, natutunan ko ‘yung acceptance. Siguro we’re not meant for each other. Siguro hindi pa lang ito ‘yung panahon namin. Pero importante sa lahat na napagpatuloy ‘yung friendship.

“Natutunan ko, magmahal ka ng totoo, ng tama. Ngayon kung hindi niya suklian, ay, sorry,” pagtatapos ng aktres.   

Angeline ipinaretoke ang mata, isusunod ang likod, at braso para sa career

Aminado si Angeline Quinto na mayroon siyang mga ipinaayos sa kanyang katawan noong isang taon para mas tumindi ang kanyang self-confidence.

“Pinagawa ko ‘yung sa mata ko kasi halos lahat ng nakakatrabaho ko napapansin nilang medyo malungkot. Minsan nao-offend na ako kasi feeling nila ayaw ko raw silang kasama. Nagsasawa na ako sa gano’n, para medyo maging mas masaya tingnan ang mata ko,” pagtatapat ni Angeline.

Ngayon ay gusto naman daw ng dalaga na magpagawa ng isang liposuction procedure para sa kanyang katawan.

“Gusto ko naman magpa-lipo sa likod kasi medyo nahihirapan ako kapag ‘yung mga suot kong mga blouse, fitted. Minsan nahihirapan kami kasi sa likod medyo may taba na lumalabas. Naisip ko naman, if lipo, mas mabilis na mawawala. Sa arms din po. Kasi sa TV parati nilang napapansin na mataba akong tingnan kahit sa personal naman hindi. Siguro kapag nagpa-lipo ako, mas malaking tulong na mas maganda ang kalabasan ng hitsura ko sa telebis­yon,” dagdag ng dalaga.

Hindi raw ikinakahiya ni Angeline ang tungkol sa ginagawa niyang pagpaparetoke sa sarili lalo pa’t nakatutulong naman daw ito sa kanyang career.

“Actually, noong umpisa natakot din ako. Sobrang talagang mas lumakas ang loob ko na makapagsuot ng magagandang blouse. Hindi na ako mahihiya sa ibang tao na humarap kahit wala na akong makeup sa mata,” giit pa ng singer.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments