Magandang kombinasyon kung matutuloy ang plano ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. na pagtambalin sina John Lloyd Cruz at Marian Rivera. Kailangan lamang nila ng magandang material at direktor at mas magiging okay ito kung iko-produce ng Regal sa Star Cinema para ma-promote ng husto ang pelikula for a sure box-office success.
Since wala namang exclusivity si Marian pagdating sa paggawa ng pelikula, unless muli siyang pumirma with Regal, magiging madali na ang paggawa ni Marian ng pelikula katambal ang Kapamilya actors.
Maganda rin ang kombinasyong Piolo Pascual at Marian o Marian at Gerald Anderson o Jericho Rosales. Nariyan pa sina Jake Cuenca, Paulo Avelino, at Zanjoe Marudo.
Puwede ring romance-comedy with Luis Manzano. Maraming kombinasyon ang puwedeng isubok kay Marian.
Lino kinopya ang ginawa ng kapatid
Mukhang idol talaga ng director turned congressman na si Lino Cayetano ang kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Allan Peter Cayetano na hindi rin pinatagal ang panliligaw sa asawa nitong si Mayor Lani Lopez-Cayetano ng Taguig City. Katunayan, inuna muna ni Sen. Allan ang pagpo-propose ng marriage kay Mayor Lani kesa sa panliligaw.
Si Mayor Lani ay dating staff ng yumaong ama ng magkakapatid na sina Sen. Pia, Sen. Allan, at ni Rep. Lino. Nang yumao ang matandang Cayetano, lumipat si Mayor Lani kay Sen. Pia at dito na nagkalapit sila ni Sen. Allan. Nauna ang marriage proposal kesa sa ligawan.
In fairness naman kay Congressman Lino, tatlong buwan na silang magkasintahan ng dating volleyball player ng Ateneo na si Fille Cainglet bago siya nag-propose ng kasal. Ang dalawa ay lihim na ikinasal nung Dec. 27, 2013 sa isang undisclosed place at isang intimate at family wedding lamang ang nangyari.
Kilala si Rep. Lino sa pagiging tahimik at mahiyain kaya maging ang kanyang kasal ay kanyang isinikreto sa publiko.