Bagong classrooms, bubuksan ni Failon
MANILA, Philippines - Isang bagong pag-asa ang sasalubong sa mga mag-aaral ng San Fernando Elementary School sa Tacloban City ngayong Bagong Taon sa handog na mga bagong classroom ni Ted Failon at ng programang Failon Ngayon ngayong Sabado (Jan 4).
Makalipas ang tatlong linggo nang simulan ang proyekto ay handa na ang mga silid-aralan para gamitin ng mga batang esÂtudyanteng biktima ng bagyong Yolanda. Muli na kayang sisibol ang pag-asa sa mga batang ito na ngayo’y sabik nang magbalik-eskwela sa kabila ng dinanas nilang trahedya?
Bukod dito, pinagkalooban din ang bawat mag-aaral ng bagong school supplies, libro, uniporme, sapatos, pati na rin pang-Noche Buena para sa kani-kanilang pamilya.
Katuwang ng Failon Ngayon ang ABS-CBN Foundation, UniÂted Architect of the Philippines-Cavite Chapter, at ilan pang mga indibidwal sa pagtulong sa mga naturang mag-aaral.
Tutukan ang buong kuwento sa Failon Ngayon ngayong Sabado (Jan 4), 4:45 p.m, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.
- Latest